Patuloy na tinututukan ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang napaulat na red tide sa Region 11.

Ito ay bukod pa sa lugar ng Balite Bay, Mati City, Davao Oriental at coastal waters sa Santa Maria sa Davao Occidental na apektado na rin ng red tide kundi maging sa mga katabing lalawigan.

Sinabi ni BFAR Region 11 Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) Chief Raul Millana, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga concerned Local Government Units (LGUs) sa pagsasagawa ng information at awareness campaign.

Ito ay para ipaalam kung gaano katindi ngayon ang red tide sa nasabing mga lugar at kanilang pagbabasehan ng pagbibigay ng update patungkol sa resulta ng weekly collection sa samples. (Riz Dominguez)