Kapag choosy ang gobyerno natin sa pakikipagkaibigan sa ibang bansa, maraming opportunities ang nami-miss natin at nasasayang.

Take a look na lang at what happened when our president visited China at isantabi muna ang territorial dispute.

Malaki at maraming business deals with the Chinese ang nai-close niya. Hindi lang iyon nagkakahalaga ng bilyones kundi trilyones.

‘Yan ang cash value na nasayang ng nakaraang administrasyon.

Kung ginawa siguro­ ni Noy ang Duterte dip­lomacy dati, siguro ay naumpisahan ang mga needed infrastructure projects with the help of China. But better late than never.

Wiser si Digong because alam niyang hindi lang China ang economic superpower at hindi lang sa China dapat makipagkasunduan sa trade at iba pang opportunities.

Nandiyan din ang Russia. Kaya it’s not surprising na pumasyal si Digong sa Moscow bitbit ang mahigit 200 opisya­les at negosyanteng Pilipino para maka-establish agad ng business tie-ups sa mga Ruso.

Actually, napabayaan­ din ng gobyerno natin ang closer bilateral relations with Russia dahil lang sa karibal ito ng US, na siyang favorite friend ng Malacañang.

Napapanahon tala­gang lawakan natin ang foreign relations at isama ang Russia sa ating lista­han ng BFF.

Bakit? Hindi ba’t maraming OFW ang nagtatrabaho sa oil and gas industries sa Middle East.

Malaki din ang oil and gas industry ng Russia at maaaring kailanganin nila ang expertise ng mga OFWs doon.

Napakalawak din ng agricultural lands sa Russia, na kayang-kaya gawing very productive ng mga Pilipino.

Maraming pwedeng i-share ang Russia sa Pilipinas lalo na ang mga technology nila sa communications, nuclear energy, IT, military, shipping at transportation, kasama na ang galing ng nila sa rocketry at satellite deployment.

Who knows, baka Russia pa ang makapagturo sa atin na gumawa ng mga satellite at spacecraft at maka-space travel.

Surely, magiging very productive ang revita­lized Philippine-Russia relations.

Marami tayong mapapakinabangan sa kanila at sila naman ay makakaasa sa galing ng mga Pilipino.

Let’s send our love and friendship to our newfound friend: Russia.

***

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or e-mail usapang_ofw@yahoo.com for your comments and suggestions.