MATAGUMPAY na naipagdiriwang ng lungsod ng Bacoor ang 1898 Bacoor Assembly na ginunita nila noong August 1, Martes nang hapon sa Brgy. Digman, Bacoor.
Pinangunahan ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla ang selebrasyon na kung saan nagkaroon ng reenactment ng Bacoor Assembly na ipinatawag ni Gen. Emilio Aguinaldo kasama si Apolinario Mabini.
Ginanap iyon sa Bahay na Tisa ng pamilya Cuenca noong 1898.
Ang Bahay na Tisa, ayon sa mga historians na dumalo roon, ang unang Malacañang na ginamit ng unang presidente ng Republic of the Philippines na si Gen. Emilio Aguinaldo.
Noong panahong iyun ay may intrigahan na pala dahil ang deklarasyon ng Philippine Independence na ginawa ni Llamanzares Bautista noong June 12, 1898 ay hindi pinirmahan ni Gen. Aguinaldo.
Sinunod ni Gen. Aquinaldo ang ginawa ni Apolinario Mabini na deklarasyon na kung saan pinirmahan niya at pinroklama sa Bacoor Assembly noong 1898.
Iyun ay nagawang isaliksik ng Bacoor Historical Society na kinumpirma ng National Historical Commission of the Philippines.
Nilinaw ni Mayor Lani na wala silang balak na isusog na palitan ang selebrasyon ng Philippine Independence ng August 1 sa halip na ipagpatuloy ng June 12.
Nasa NHCP na iyun.
“Ito ay ayon sa pananaliksik na ngayon. Kumbaga, ito’y nasa kamay na ng National Historical Commission of the Philippines.
“Naungkat po kasi ito nu’ng nagsalita si Prime Minister Cesar Virata nu’ng nag-oath taking ‘yung Bacoor Historical Society.
“Nagkaroon po ng pananaliksik, umabot sa National Historical Commission of the Philippines. Kaya ‘yun ngayon ang tinitingnan.”
Hinihimay-himay nila kung ano ‘yung naganap, kung ano ang totoo,
“Ang mahalaga ay naganap ito sa Bacoor Assembly nu’ng August 1,” saad ni Mayor Lani.
Kinilala ito ng National Historical Commission of the Philippines at dapat makarating sa mga mag-aaral ang dagdag na kaalaman sa ating kasaysayan.
“May nadagdag na naman sa kasaysayan natin bilang Pilipino. Kailangang gunitain po itong Bacoor Assembly na isa na namang pitak sa kasaysayan ng kalayaan ng ating bansa.
“This will be an addition to our knowledge in history. Pangarap po namin na ito ay kilalanin. Ito po ay mailalagay sa ating mga history books at maituro po ng DepEd.
“Nakasalalay na ito sa mga kamay ng National Historical Commission of the Philippines,” tugon ng alkalde ng Bacoor.