Regalo ni Ara tinanggihan ng nars

NI: MILDRED A. BACUD

Isang nurse ang sumagot sa Instagram post ng aktres na si Ara Mina patungkol sa self- kits o cosmetics na plano nitong ibigay sa mga frontliner . Kasama rin sa donasyon niya ang facial mask, PPE’s, food at iba pa.

Komento ng nurse na may peace sign, hindi raw ito ang prayoridad sa ngayon.

” Thank You,but at this point of time make up kits is not on top of priorities.Food is more essential for their daily needs.”

Sinagot naman ni Ara ang nurse “ I know this is not the top priority ayan na naman po tayo sa pagjajudge.

“This is only a bonus or extra may kasama pong food ang pamimigay ko po.”

“And nagdistribute na rin po ako about 8k pcs of masks.

“Naka plan na rin po ako mamigay ng face shields and mag fundraise p po ako for PPE suits.Sana po wag po tayo nega agad.

“It’s free anyway, if you don’t like di ko po kayo pipilitin. It’s just a gift.”

Nag-iisip lamang daw ng something ang aktres para matuwa naman ang mga frontliners tulad ng nurse.

Paliwanag pa ni Ara gusto lang niyang mabigyang kasiyahan ang mga tulad nitong frontliners.

Nagsorry naman ang nurse pero giniit na wala na silang panahon mag-make up sa ganitong panahon.

Post ng nurse,

“Oh wow sorry for that. But wearing PPE’s is NO joke and even no time to put on make up in this health crisis.

“But what frontliners need for now is FOOD SLEEP AND REST. But anyway THANK YOU FOR YOUR HELP. FOOD is really essential. Godbless!”

Sinagot din ng nurse ang mga kumampi sa aktres at nambash sa kaniya.

“I read all the bashing. alam nio relax lang we never know when this Health crisis gonna be end.

“I am not affected at all with ur comment normal yan sa pinoy haha.”But Ladies you are all Great!.”

Isa si Ara sa mga aktibong tumutulong sa mga frontlinerssince day 1 ng enhanced community quarantine.Siya mismo ang nag-bake ng mga cheescakes at cakes na aniya pang boost ng energy ng mga frontliner.