Regalo ni Rayver kay Janine atrasado

tonite-pak-allan-dionesWala pang nabibigay na birthday gift si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez na nag-29th birthday nu’ng October 2.

Ang sabi sa amin ni Rayver ay bibili pa lang siya ng regalo dahil nag-iisip pa siya at siyempre kailangan ay maganda.

Nu’ng midnight ng Tuesday ay sinalubong nila ang birthday ni Janine kasama ang family nito.

After ng mediacon ng bagong show ng GMA na “Studio 7” nu’ng Tuesday night ay sa birthday dinner ni Janine ang tuloy ni Rayver.

Parehong hindi ma-post ang JanVer sa social media ng pics nila together, kaya kahit si Rayver daw ay kinilig sa Instagram post ni Janine na throwback pic nila sa Star Magic Ball last year. Natuwa raw siya at nakakatuwa rin ang comment ng mga tao sa post na ‘yon.

May chance ba na mag-work sila together bilang officially Kapuso na siya?

“Hindi ko alam. Ako, kahit sino naman maka-work ko, whether si Janine o kung sinumang leading ladies dito, excited naman ako to work with everyone,” sey ng 29-anyos na bagong Kapuso hunk.

Ang unang magiging show ni Rayver sa GMA ay ang “Studio 7” kung saan ibinabalik ang musical variety show genre every Sunday night.

Ani Ray, sobrang sakto na nawalan siya ng “ASAP” pero biglang may ganito ang Siyete, so happy siya dahil masu-showcase pa rin dito ang talent niya.

Masaya kasi siya ‘pag nakakapag-perform at dito ay makakapagsayaw ulit siya. Game din daw siya sa kantahan dahil love niya rin ang singing.

Doon sa mediacon ay nagpasampol si Ray ng “All of Me” ni John Legend, na paborito niyang kantahin at mukhang theme song nila ni Janine.
Hirit niya sa amin, go-to song niya kasi ‘yon at hindi pa niya kilala si Janine ay kinakanta na niya ito at marami nang napuntahang lugar ang kanta ­niyang ‘yon.

Hindi raw kinailangang mag-adjust ni Rayver sa bago niyang network dahil mababait ang mga tao rito at na-feel at home siya agad.
In fairness ay dalawa kaagad ang show niya ­dahil meron pa siyang afternoon drama, kaya feeling blessed and thankful daw si Ray at super-excited na magtrabaho.

Kahit ang busy niya ay may time pa rin daw siya kay Janine at ‘pag may free time ay lumalabas sila.
“Asawa Ko, Karibal Ko” ang pamagat ng panghapong soap ni Rayver na makakapareha niya sina Kris Bernal at Thea Tolentino, kasama rin si Jason Abalos.

Ang “Studio 7” ay magsisimula na sa October 14 (7:40-8:40 PM) sa GMA ­Sunday Grande.

***

Kyline kinatatakutan ng mga lalaki

Walang showbiz crush ang ta­lented Kapuso young actress na si Kyline Alcantara, pero inamin niyang naging inspiration niya before si Darren Espanto.

Ang dayalog sa amin ni Kyline, humanga siya dati kay Darren nang mag-guest siya sa “The Voice” tapos ang fans nila ay nag-combine at tinawag na KyRen. Close daw sila dati ni Darren at friends pa rin sila kahit hindi na sila same network.

Naging inspirasyon niya si Darren sa kanyang singing career, pero hanga lang daw siya sa ta­lent nito at hindi ‘yung tipong gusto niya itong maging boyfriend.

Ang sabi namin sa 16-anyos na si Kyline ay cutie pie si Mavy Legaspi na isa sa mga kasama niya sa bagong GMA show na “Studio 7”. Sey ng dalagita, marami namang cute sa Kapuso boys, pero wala raw siyang crush.

Wala rin daw nanliligaw sa kanya dahil feeling niya ay natatakot o nai-intimi­date ang boys sa lakas ng personality niya.

Boys can be an inspiration pero distraction din daw, sabi ni Kyline. At kung siya ang tatanungin ay ayaw niya ng ka-loveteam, mas gusto niyang solo lang, pero kung bibigyan siya ng network ay okey lang din.

Kahit may mga isyu-isyu at intriga sa kanila ni Bianca ­Umali ay close daw silang da­lawa, sabi sa amin ni Kyline.

In fact, mas naging stronger daw ang friendship nila with all the allegations na kesyo may conflict sa pagitan nila.

Basta siya ay sure siyang wala siyang problema kay Bianca. Nagsama pa raw sila nito kamakailan for 1 1/2 months sa “Daig Kayo ng Lola Ko”.

Tagakabilang network ang ka-close ni Kyline sa showbiz, sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla na naka-work niya before nu’ng nasa ABS-CBN pa siya.

In fairness ay in demand si Kyline dahil magiging dalawa na ang show niya tuwing Sunday. May “Sunday PinaSaya” siya sa tanghali at may “Studio 7” pa siya sa gabi.

Mas comedy side niya raw kasi ang mapapanood sa “SPS” habang sa “Studio 7” ay mas masu-showcase ang pagiging performer niya.