Regalo: No balot!

Nagsimula ka na bang magbalot ng mga regalo para sa Pasko?

Kung hindi pa, huwag nang mag-aba­la sa pamimili ng gift wrappers.

Ipinapanawagan ng EcoWaste Coalition ang pagiging pollution-free ng gift-giving.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner,­ EcoWaste Coalition, “Gift-giving can generate a lot of discards that, more often than not, go straight to the bin. Instead of keeping­ them for the next gift-giving, we find gift boxes,­ wrappers, and accessories habitually tossed into the dump.”

Hindi daw kailangang maging makalat ang pagbibigay ng mga regalo. Samahan lang ng kaun­ting creativity, puwede namang maging less wasteful at less stressful gift-giving sa kalikasan.

Narito ang ilang tips sa paghahanda ng pamas­kong regalo:
Pumili ng gift items na hindi na nangangaila­ngan ng wrapping.

Kung kailangan talagang ibalot, gumamit ng magazine pages, Sunday ­comics o kahit mga wrapper ng paborito mong chips.

Kung kailangang i-ribbon ang regalo, gumamit ng abaka o iba pang native twine.

Para maprotektahan ang mga babasaging regalo, imbes na bubble wrap, maglagay ng shredded paper sa kahon na paglalagyan nito.

Gamitin ang tin cans, empty jars, shoe boxes na alternatibo ring lagayan ng regalo.

Para mas creative ang ipamimigay na regalo, idisenyo ang mga hindi na ginagamit at patapon nang fashion accessories, old cards, magazine cutouts, at maging tuyong dahon.

Iwasang gumamit ng plastic bags.

Puwedeng gamitin ang mga old Christmas card para maging gift tags.

Isa pang ideya, ayon sa EcoWaste Coalition – huwag nang ibalot ang regalo.

Papikitin na lang ang bibigyan nito at matapos ang ilang segundo, i-reveal na ang regalong bigay mo. Nakakatawa mang isipin pero malaki ang maitutulong nito sa kalikasan, may element of surprise pa!

Bukod dito, hinihikayat din ng grupo ang publiko para sa plastic-less celebration ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sa ganitong paraan, hindi na tayo makakadagdag sa lumolobo pang waste production ng bansa na pumapalo na ngayon sa higit 40,000 tons per day.