Sasaya rin ang followers ng Songbird na si Regine Velasquez.

May ihinahandang musical-comedy show para sa kanya ang Kapuso network, sa wakas!

Matagal-tagal na kasing naghihintay ng regular show ang fans kung saan makikita at maririnig nila ang idolo nilang kumakanta at nagpapatawa kaya finally… heto na, malapit na.

Kantawa (kanta + tawa) pa more!

***

NAG-TRADE launch ng mga bagong show ang ABS-CBN kagabi. Kasama roon ang bagong shows na Langit Lupa, ang nakaabang na kapalit sa Doble Kara na tele­serye ni Shaina Magdayao & JC de Vera, at ang teleserye nina Maja Salvador, Joseph Marco & Vin Abrenica.

Nakalinya rin ang bagong regular season ng The Voice with coaches Lea Salonga, Bamboo and Sharon Cuneta and the comebacking coach Sarah Geronimo.

At mula sa Dreamscape, nandyan ang balik-tambalan ng Kimerald in Ikaw Lang Ang Iibigin and Paulo Avelino & Ritz Azul’s Promise Of Love.

Exciting ang susunod na season ng Kapamilya shows.

***

Sa 44th iEmmy’s , the Best Actress Award goes to Christiane Paul (Under the Radar) of Germany.

Best Actor si Dustin Hoffman (Esio Trot).

And Hidden Truths of Brazil wins Best Telenovela. Congratulations to all the winners. At proud pa rin tayo kina Jodi Sta. Maria at Team Bridges Of Love.

***

Magwawakas na ang Kapuso sexy comedy program na A1 Ko Sa ’Yo bukas (Huwebes, November 24) sa GMA 7.

Sa pagtatapos, malungkot sina Digna (Jaclyn Jose) at Rolly (Gardo Versoza) dahil hindi pa rin nahahanap ang kanilang nawawalang anak na si Kaycee (Denise Barbacena).

Dahil busy sa paghahanap kay Kaycee, hindi nila napapansin na merong mga ibang nangyayari sa mga kasama­han nila.

Si Miley (Solenn Heussaff), tinigil na ang pagbebenta dahil may boyfriend.

Si Errol (Ervic Vijandre), meron na raw girlfriend.

Si Tintin (Gee Canlas) may na-share na sikreto kay Jay (Benjamin Alves).

Masisira na ba ang samahan nila sa A1?

Nasaan na nga ba si Kaycee?

***

Nang mapapadpad si Ivan Dorshner sa GMA 7, naayos na kaya niya at nahilot ang tampo ng kanyang former manager na nagdala sa kanya at nag-alaga sa ABS-CBN?

Kulang na lang daw ay sila ang sumagot sa pang-araw-araw niyang pangangailangan lalo na noong walang-wala siya.

Hindi ba’t inampon din siya ni James Reid at naging housemates sila?