Regine, aliw na aliw kay Edu at sa impersonator ni Vilma

Regine Velasquez

Aminado ang Asia’s Songbird na bukod sa kantahan, enjoy siya sa mga show na katulad ng Sarap Diva o ‘yung katatapos lang niya na Poor Señorita.

Hindi masyadong type ni Regine ‘yung magka-show na kaila­ngang umiyak siya nang umiyak.
Type na type niya ‘yung palaging masaya at palaging nagtatawanan.

Pati sa kanyang team na kasa-kasama sa mga trabaho, madalas na mga nakakatuwang beki ang kasama niya.

Sa episode naman niya ngayon ng Sarap Diva, hindi ilang beses natawa si Regine sa guest niya na si Edu Manzano na nag-promote ng teleseryeng Someone To Watch Over Me.

May beki na impersonator ni Vilma Santos-Recto sa episode na ‘yon kaya lalong naaliw si Regine.

Sabi ng misis ni Ogie, kapag nasa set siya ng Sarap Diva ay parang hindi siya nagtatrabaho.

***

Ogie Alcasid
Ogie Alcasid

HINDI na si Mr. Ryan Cayabyab ang musical director ng repeat ng Ayokong Tumanda concert ni Ogie Alcasid sa Oktubre 15 sa Music Museum.

Walang kinalaman ‘yon sa hoax na dead na si Mr. C (paboritong tawag sa kanya) na kumalat sa internet kamakailan.

Sabi ni Ogie, paalis kasi papuntang Amerika si Mr. C, kaya si Soc Mina ang musical director ng repeat concert niya.

Kuwento ni Ogie, nang makarating sa kanya ang balitang namatay na si Mr. C, nagulat at sobrang nalungkot siya.

“Hindi ako makapaniwala. Nagulat ako. Nalungkot talaga ako, Jun, sobra. Pero I had to cla­rify first and then I was relieved. Nalaman ko kasi na hindi nga totoo.

“Nakaka-sad lang na may mga ganoong bagay,” pahayag ni Ogie.

Samantala, masaya si Ogie na may repeat ang Ayokong Tumanda dahil maganda ang feedback sa sold-out two-night concert niya noong Agosto.

Guest pa rin ang wifey niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa repeat ng Ayokong Tumanda.

***

‘Katuwa naman si Ge­rald Anderson.

Kahit sandali lang sila sa New York noong mag-concert doon ang ASAP, naisingit pa niya ang pag-e-exercise.

Napaka-health buff ng CosmoCee endorser dahil nag-spinning (bike) class pa siya early in the morning kasama ang manager ni Martin Nievera na si Ms. Joy Alonzo.

Basta sa mga ganoon, game si Ge­rald kahit gaano kaaga.

No wonder at marami ang nakakapansin na lalong gumaganda ang katawan ng aktor, huh!