Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Center)

11 a.m.- UPHSD vs Letran (jrs)

2 p.m.- UPHSD vs AU (m)

4 p.m.- SBU vs AU (w)

Ikakasa ng Arellano University ang kanilang sandata na sina Regine Anne Arocha at Jovielyn Grace Prado upang putukan ang San Beda College at masikwat ang back-to-back titles.

Muling haharapin ng Lady Chiefs ang Lady Red Spikers sa Game 2 best-of-three finals ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament ngayong alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Nasikwat ng AU ang Game 1 pero kahit nakauna ng panalo sa sets 1 at 2 ay nanganib pa ang Lady Chiefs matapos silang harurutin ng San Beda sa third at fourth frames.

Nagising sa fifth, sinalba nina Arocha at Prado ang Lady Chiefs upang mamuro sa pagkopo ng dalawang sunod na korona at third overall.

Nagtala si Arocha ng 14 points habang bumakas si Prado ng Prado ng 13 markers, 13 digs at walong excellent receptions para sa Arellano University na pininta ang 1-0 series lead.

Ayon kay AU coach Obet Javier kailangan nilang maging mabalasik sa laro.

“We can’t afford to give them a chance to beat us just like what happened in our first game,” sambit ni Javier.
Samantala, pakay din ng men’s division ng Arellano na tapusin ang serye ngayong araw laban sa Perpetual Help Altas.

Kapit ang 1-0 series lead, haharapin ng Chiefs ang Altas sa alas-2 ng hapon.