IN fairness ay mukhang tuluy-tuloy na ang pagpayat ni Regine Veasquez-Alcasid, na tila seryoso sa kanyang ‘Oplan Balik Alindog 2016.’
Suportado ni Ogie Alcasid ang pagpapa-slim ng kanyang misis, na pinu-post pa ni Ogs sa social media ang workout ni Reg.
“After losing almost 20 pounds, she is determined to lose more with boxing! Go, honey!” ang very supportive husband na caption ni Ogs sa kanyang Instagram post na video ni Reg habang nagba-boxing kasama ng trainer nito.
Ang daming positive comments na nakuha ang post na ‘yon ni Ogie, na maging si Judy Ann Santos (na may sarili ring ‘Balik Alindog Program’) ay napa-comment ng, “Damang-dama na ang alindog, mars!! Go!”
Sinasabayan din ni Ogs ang workout ng misis niya at nagba-boxing din siya.
Madalas magsuot ng mga bonggaderang gown ni Songbird, so next time na magga-gown siya ay malamang kabogera na ang hubog niya dahil sa kanyang slimming routine.
Ang alam namin, bukod sa pagwu-workout ay may iniinom pang special shake si Reg na sa Amerika lang nabibili, na malaki rin ang naitulong para mag-lose siya ng weight.