Tila banas na banas na talaga si Regine Velasquez sa malalang traffic sa Pilipinas. Sa kanyang Twitter ay nagbigay siya ng suggestion kung paano ito mababawasan.

“May suggestion bakit kaya hindi I try ng mga kumpanya na iba ibang oras ang labas ng mga tao. Para sa ganon medyo gumaan ang traffic. Kaya lang ang dami nila ano yun pag uusapan ba nila?? o bawat lugar ba??? Ay ewan,” tweet ni Songbird.

Dahil dito ay bumuhos ang komento ng mga netizens at kanya-kanya rin silang suhestyon.

“May suggestion din po ako sana yung mga big company na may sariling bldg may rooms cla para dun nlng m22log employees nila hndi n uuwe ng bahay para weekends or restday lng uuwe o dba Iwas traffic lalo n ksi halos lahat employee my car like call center,” komento ng isa.

“Nice idea. Flexi time, work from home, opportunities in provinces, no to provincial rate, reduced private car, but most important thing is improved public transfortation and above all self desciplined and I thank you,” pahayag naman ng isa.

May nagbiro naman na si Regine raw ang naka-imbento ng traffic noong panahon ng mega-hit R2K concert nito.

“Ate.. you invented the traffic right? Year 2000 po yan nangayari. Hahaha chos! #R2K #ICONICCONCERT,” pagbibirong tweet ng netizen. (Vinia Vivar)