NI: ROMMEL PLACENTE

How true ang tsikang narinig namin na kaya raw umano hindi magre-renew ng kontrata si Regine Velasquez sa GMA 7 dahil binabarat na raw ang talent fee nito? Sa halip daw na itaas ay binababa pa.

Totoo bang na-hurt ang Asia’s Songbird? Hindi na ba interesado ang Kapuso network kaya hindi na nila magawang itaas ang talent fee nito? Hahayaan na ba nilang umalis ito? Ito ba talaga ang naging dahilan para tanggapin na ang offer ng Kapamilya network na maging talent nila? Baka naman kinumbinsi lang siya ng mister na si Ogie Alcasid na lumipat na rin sa Dos?

For the record ilang beses na ring napapabalitang lilipat si Regine sa ABS-CBN. Hindi lang natuloy dahil bigla siyang binigyan ng serye na ‘Poor Senorita’.

Kumpirmado na ba ang pag-oober da bakod ni Regine? Hindi na ba siya hinahabol ng Siyete?

Mananatili pa ring tsismis ang lahat hangga’t walang official statement sa kampo ni Regine.

Abangan na lang ang pagdating niya mula sa kanyang US tour kung ano talaga ang tunay na dahilan.

Sa kanya manggagaling ang kumpirmasyon kung iiwan niya na ang Kapuso network na nagpasikat sa kanya.