“Nai-stress na ako,” ang pabirong sambit ni Regine Velasquez. Ito’y nang matanong sa presscon ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta kung siya naman ang magbibigay ng something kay Megastar. Matatandang   bigyan  siya last November ng fabulous diamond ring na ang tsika ay nagkakahalaga ng kulang-kulang isang milyon.

Aminado naman si Songbird na hindi niya kayang tumbasan ang binigay ni Shawie.

“Siyempre, if I’m gonna give her something, I want. . .hindi ko kaya kasing tumbasan na ‘yun, no! It has to be special that. .  .something, I don’t know, I’ll figure it out, what I can give her.”

Dream come true para kay Regine ang makasama ang idolo niyang si Sharon sa isang concert. Nagkasama na sila before nang mag-guest si Megastar sa concert ni Asia’s Songbird last November. Pero ngayon pa lang talaga sila magkakasama in a back-to-back concert na matagal na ngang pinapangarap ni Songbird.

“Ako, I’m looking forward du’n sa rehearsals, ‘yung mga ganu’n. Kasi ‘yun naman ‘yung working togetner. Of course, ang dami na naming meeting na ginawa, exciting din ‘yun for me.

“Pero ‘yung start na talaga ng work, ‘yun ‘yung time talaga na makakapagtsika kami, ‘yun ‘yung time na I’ll be able to be with her, I’ll be able to. . .kasi a lot of times, you’ll get to really talk to each other on a personal level. Ganu’n ‘yun, eh. Kasi siyempre, nagshe-share-an kayo. Hindi lang ‘yung tsika-tsika. Kasi palagi, eh, saka matagal, eh.

“So, ‘yun ‘yung excited ako, makakasama ko ‘yung idol ko,” pahayag ni Regine.

Aminado rin si Songbird na hanggang ngayon ay natutulala pa rin siya kay Sharon. Pag dumadating nga raw ito ay hindi raw siya makapagsalita at hindi niya kinakausap.

“Nagtataka siya. Hindi ako makasalita. Naaano ako. Wala akong sinasabi. Cricket ako. Tapos, tinatanong niya ako, naka-ganu’n (nakatulala) pa rin ako. Tapos ang sumasagot ‘yung asawa (Ogie Alcasid) ko.”

Talaga raw nai-starstruck siya kay Sharon at sey pa niya, “simula nang naging artista ako, parang siguro, siya na lang ‘yung tao na nai-starstruck talaga ako.”

Favorite Sharon Cuneta movie raw niya ay ang Bukas Luluhod ang mga Tala dahil ramdam na ramdam daw niya ang dialogue roon ni Shawie sa bintana at parang story raw ng buhay niya ‘yun.

Anyway, ang two-night Iconic concert nina Regine at Shawie ay gaganapin sa Oct. 18 and 19 sa Smart Araneta Coliseum. It will be directed by Rowel Santiago alongside musical directors Louie Ocampo and Raul Mitra.