Alam na alam mong major, major hit ang paparating na Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo concert.

Inanunsyo pa lang ang nasabing konsiyerto, kinilig at talagang eager beaver ang mga panatiko ni Mrs. Alcasid at si Mrs. Guidecelli sa malapit na hinaharap kaya nga hindi na kataka-taka at mas lalong walang hibang factor na mabilis ang bentahan ng tickets nito.

Dahil nga walang duda na mabungang-mabunga ang resulta nito, nakaka-tuliro na may isyung “credit-grabbing” na hindi lang pinalulutang kundi pinagsisigawan ng mga ilang Geronimo fans. Hindi sila silent minority obviously dahil bothered ang Ate Reg sa kaganapan. Sa true lang, ang diva that you love, hindi makapaniwala na may fans pala si Sarah na accusatory at cruel.

Dahil sa hindi lang pag-tag kay Geronimo, kung anong masasakit na hanash at kuda ang pinakawalan ng mga “concerned” Geronimo fantards. Iba rin ang sense of entitlement, huh!

Ang Ate Chona tuloy, ang emote sa Twitter: “Sa dinami dami kong collaboration na ginawa, ngayon lang kami na akusahan na we are taking all the credits… Nakaka-disappoint. I have never experienced this. And I have worked with a lot of artists. Te.”

Siyempre,too late the heroine na yung mga ibang fans na nagpaumanhin kay Velasquez. Dismayado ang Asia’s Songbird, dinurog-durog niyo sa inyong mga maling akala at akusasyon. Kumbaga, the harm has been done.

Sa true lang, ang mga panatiko talaga ngayon, ibang klase kung mag-isip at walang katakot-takot magpahayag ng mga nagmamarkulyong mga damdamin. Sigurado naman ako na walang malay si Sarah na may ganitong klase pala siyang mga supporter. Sana naman, huwag na maulit pa ang pangyayaring ito.

Zeus, Ion nagkakagulo sa van ni Vice

Juice colored! Bago niyo isiping nagsukatan ng mga pambihirang palo-palo nila sina Zeus Collins at Ion Perez, pakibura sa mga utak ang mga bagay na nagmamatigas at maugat. Charot! Hahahaha.

Ang kaibigang malapit ni Vice, si Collins, may birong totoo para sa Queen Bayot. May emote na ito na ipapahiram niya ang yayamanin niyang van kay Jose Marie. Sa true, si VIceral ang nagmamay-aro sa nasabing sasakyan.

Siyempre pa, alam naman natin na malapit na magkaibigan sina Zeus at Vice kaya ang mga ganitong biruan, kulitan lamang at walang ibang pakuhulugan. Not unless na thinking out loud ang Collins at Christmas wish niya na van ang gift ni Queen Bayot para sa kanya. Iba rin ang adult pangrap sa Pasko ng binatang mahusay gumiling at kumanyod sa dance floor, huh!

Si Ion, na kasintahan ni Ganda, nagbiro rin na hindi mo sure kung may halong “selos” kaya niya sinabi ito, “Ako peram mo ko pag pupunta ng palengke.”

Ano ito? nagkakagulo dahil sa van niya? O dahil nga malalapit silang magkakaibigan, walang malisya ang mga biruang ganito?

Hindi kaya may mga pangyayaring mala-bizarre love triangle na pala ang Ion-Vice-Zeus na hindi pa natin alam at ngayon lang nagma-manifest?

Naku, naku. Kung may ganito nga, gusto na rin bang tanghalin ni Vice Ganda na millennial diyosa ng pag-ibig at natatanging rikit? Hindi na siya makuntento sa pagiging box office royal? Iba rin!

MMFF fever: Noranian, Vilmanian aariba sa tilian

May mga artista palang tatanghalin sa Hall of Fame ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at isa ito sa highlights ng Gabi ng Parangal na magaganap sa December 27.

Literal na crème dela crème of Philippine showbizlandia ang kasali sa ispeyal na rekognisyon. Sila ay ang mga artistang tatlong beses o higit pang nag-viktoria sa kanilang kategorya.

Ang mga natatanging artistang pasok sa Hall of Fame siyempre pa, una sa lahat, ang winningest MMFF best actress, si Nora Aunor na may walong best actress trophies para sa para sa mga pelikulang “Atsay,””Ina Ka ng Anak Mo,””Himala,” “Bulaklak ng City Jail,””Andrea, Paano Ba ang Maging Isang Ina,””Ang Totoong Buhay ni Pacita M.,” “Muling Umawit ang Puso” at “Thy Womb.” (2012).

Ang susunod sa Superstar, siyempre pa, ang Star For All Seasons Vilma Santos na may apat na MMFF trophies para sa “Burlesk Queen,” “Karma,””Imortal,” at “Mano Po 3.”

Ang favorite leading man ni Ate Vi at minsan ay minahal at pinakasalan ni Ate Guy, si Christopher de Leon, pito pala best actor awards na galing sa mga pelikulang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon,” “Haplos,” “Imortal,” “Nasaan ang Puso,” “Bulaklak ng Maynila,” “Mano Po 3, My Love,” at “Magkaibigan.”

Si Cesar Montano, nakatatalong best actor trophies rin para sa “Jose Rizal,” “Bagong Buwan” at “Ligalig.”

Si Amy Austria, ayaw rin magpakabog, may tatlo ring best actress win, “Brutal,” “Celestina Sanchez, Alyas Bubbles / Enforcer: Ativan Gang” at “Trudis Liit.”

At siyempre pa, hindi magpapahuli ang Diamond Star na may limang best actress trophies si Maricel Soriano para sa mga natatangi niiyang pag-arte sa “Nasaan ang Puso,” “Filipinas,” “Bahay Kubo,” “Yesterday, Today, Tomorrow” at would you believe, para sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”.