MASAYA ang GMA 7 management dahil usap-usapan ang online version ni Regine Velasquez-Alcasid ng Ikaw Nga, ang theme song ng Mulawin vs. Ravena.
Sabi ng followers ng Asia’s Songbird, as always, wala pa ring kakupas-kupas ang misis ni Ogie Alcasid.
Kahit matindi ang kilig sa rendition ng Kapuso boyband na T.O.P. sa theme song ng Mulawin vs. Ravena, matindi rin ang goosebumps na hatid sa marami ng version ni Regine na isa rin sa cast ng nasabing telefantasya.
As of Friday, mahigit 100,000 views na ito sa social media after 14 hours mula nang i-upload ito.
Samantala, maraming fans ni Regine, especially ang mga bading, ang gumagaya ngayon sa hitsura niya sa Mulawin vs. Ravena bilang si Sandawa na isang Diosa.
May iba pa na pati ang headdress ng character ni Regine sa Mulawin vs. Ravena ay ipinagaya, huh!
Feel na feel ng mga bading na hindi lang basta Diosa si Regine sa nasabing telefantasya kundi reyna nila ito.
Kagabi ay nag-season finale na ang Full House Tonight dahil sa Sabado, ang Celebrity Bluff na nina Eugene Domingo at Edu Manzano ang mapapanood sa nasabing timeslot.
***
Kahit nag-deny na ang isang hunk actor tungkol sa tsikang nagpa-nose job siya, marami pa rin ang naniniwalang may pinabago siya sa kanyang ilong.
Sa latest movie nga niya, obvious na obvious ‘yon.
Habang nagtatagal, lalong gumaganda ang ilong ni hunk actor.
Hindi ba, karamihan sa mga nagpapa-nose job, lalong gumaganda ang ilong after ilang months?
Sa latest movie ni hunk actor, may ilang nakasabay kami sa panonood na imbes na ang takbo ng istorya ang pag-usapan ay sa ilong ni hunk actor nagkokomento.
Ang guwapo-guwapo raw kasi ngayon ni hunk actor compared sa isa pang aktor na kasama sa pelikulang ‘yon na hindi bagay ang dirty-look doon.
Anyway, kung talagang nagpa-nose job si hunk actor, walang masama dahil mas bumagay sa kanya.
At least, hindi lang ang abs niya ang katakam-takam dahil naging katakam-takam na rin ang mukha niya!
***
Wala pang official announcement ang E! international cable network tungkol sa 5th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Pero sa isang throwback picture ng kanilang pamilya na pinost ni Ruffa Gutierrez sa Instagram (@iloveruffag), sinabi niyang ngayong Hulyo na mapapanood ang bagong season ng kanilang reality TV series.
Basta pagdating sa It Takes Gutz to be a Gutierrez ay tahimik lang ang pamilya Gutierrez, kaya hindi rin namin sila tinatanong kung ano ba ang ‘pasabog’ nila sa Season 5.
Hindi rin namin inuusisa si Ruffa kung bakit lately ay hindi yata namin nakikita ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal.
Walang masyadong ikinukuwento si Ruffa tungkol kay Jordan, kaya hindi na namin siya tinatanong tuwing sinasamahan namin siya sa Eat Bulaga kapag nagru-“Ruffaree” siya sa Jackpot En Poy game segment ng show.
In fairness, kahit hindi namin nakikita si Jordan, mukhang masaya si Ruffa sa tuwing nakakasama namin siya.
baka kaya nakaabot sa season 5 e sila na rin nag produce wala namang intresado e kung sikat pa sila d sana may local station na angka interes sa show nila kaso wala si jun lalin lang matiyaga magsulat s mga guttierez na yan wahaha
Hoy Jun! Ikaw lang ata ang nanonuod niyan? Basta maisingit lang ang Gutierrez family sa column mo!