tonite-imo-vinia-vivar
Naba-bash na naman si Regine Velasquez dahil sa naging pahayag niya sa “Tonight With Boy Abunda” na “I’m just Regine Velasquez.”
Sinabi ito ni Songbird dahil, aniya, ay hindi raw niya ine-expect na magiging big deal ang kanyang transfer.
“If I was Marian Rivera, I would ­understand but I’m just Regine Velasquez,” she said.
Reaksyon ng isang netizen sa Twitter, “I’m just Regine Velasquez” how dare you disrespect your whole discography !! YOUR NOT ‘JUST’ ‘YOU ARE REGINE LEGEND VELÁSQUEZ’!! @reginevalcasid YOU ARE THE FCKNG SONG BIRD. I know that you’re just being humble, but Queen don’t ever say that. Mygaad I’m so emo. ILYSM.”
Hindi ito pinalampas ni Regine at sinagot niya ang netizen.
“Well its ok for me to say that because its me. I am very aware of what a have accomplished as an artist but still there is NO reason for me to boast. Please do not say how dare you to me as if a 2 year old kid. My whole career is probably older than you,” sagot ni Songbird.
Dagdag pa ni Regine, “saying I’m just Regine doesn’t mean I’m disrespecting my years of hard work. Im making myself small because I want my GOD to be big. I am nothing without my GOD all the glory I give back to HIM.”

Alden type gumawa ng Christmas special

Kahit tapos na ang “Victor Magtanggol,” ayon kay Alden Richards ay gusto sana nilang magkaroon ng Christmas special ang serye.
“Nag-suggest po kami na at least kahit paano, ‘yung show, kahit lang po ‘yung Magtanggol family, gumawa ng special this Christmas. Parang Christmas special, drama special po na same cast. Para lang mai-showcase namin ‘yung pagiging pamilya.
“Kahit hindi na po related sa ‘Victor Magtanggol,’ it’s just kahit same cast lang po kami. Sana po i-­approve, sinadgest na po, eh,” pahayag ni Alden nang makausap namin recently.
May balita ring gagawing pelikula ang “Victor Magtanggol” at APT Productions daw ang magpo-producer pero, aniya, ay hindi pa raw niya ito naba­balitaan. Pero sana nga raw ay magkatotoo ito.
Sa December ay nakaplanong pumunta ng US si Alden kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon. Pero mga 2 weeks lang daw sila doon at babalik din agad bago mag-New Year.
Wala pang kasunod na drama series ulit si Alden pero ipinahayag niyang drama ulit ang gusto niyang gawin sa susunod na TV project.

Solenn walang paki sa pera ng asawa

Napakamoderno ng household arrange­ment ng mag-asawang Solenn ­Heussaff at Nico Bolzico dahil unlike the typical set-up na ang lalaki ang nagpo-provide sa pangangaila­ngan ng pamilya including bills, sa kaso nila ay 50-50 raw sila. Bukod dito, may sari-sarili raw silang bank account.
“Si Nico, may bank account siya, hindi ko alam kung ano’ng laman, wala akong paki,” natatawa niyang sabi.
The same way na hindi rin daw alam ng asawa ang laman ng kanyang bank account.
“He knows naman how much I earn but he doesn’t know kung may savings ako or kung wala.
“May joint account (kami) na every month, same ‘yung amount na nilalagay namin. So, ‘pag kailangan kong magbayad ng bills for the house, do’n ko kinukuha.
“Pero ‘pag travel, sa bank account ko. ‘Pag travel siya, sa bank ­account niya. Very modern,” kuwento pa ni Solenn.
Sa tingin daw niya ay mas OK ang ganu’ng set-up kahit sa anong relasyon.
“I think, it’s healthy kasi if you think about it, in life in general, not just marriage but friends, business, ‘pag may away, it’s always financial. It’s always about money,” pahayag pa ng isa sa bida ng “Cain at Abel” with Dingdong Dantes and Dennis Trillo na magsisimula na ngayong gabi, Nov. 19 pagkatapos ng “24 Oras.”