Kamakailan lang ay inulan ng papuri ang argumento ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pahayag ni Fo­reign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at sa radio host na si Ben Tulfo.

Binatikos ng singer ang pahayag ni Locsin tungkol sa pangunguha ng Chinese vessels sa mga clams malapit sa Scarborough Shoal.

Samantala, nagpaabot naman ng pasa­salamat ang singer sa kanyang Twitter at hinihiling na isantabi muna ang isyu para hindi na ito humaba pa.

Dagdag pa niya, “I think mas makakatulong tayo kung gagawa tayo ng isang bagay para sa ating kalikasan kahit maliit na bagay lang — ang hindi magtapon ng basura kung saan-saan. Maging responsible tayong lahat at magtulungang panatilihing malinis at maganda ang ating kapaligiran.”

Ipinaliwanag din niya na hindi niya nais na barahin ang DFA secretary. Aniya, “I answered a tweet that for me was disrespectful to all of us but didn’t realize that I was disrespectful of him too. I’m not proud of that. But still this is about people destroying Mother Earth. It’s the only one we have and so let us love and protect Her.” (Ronaline Avecilla)