Regine inggit kay Lea

Sa isang awards night kung saan ang Asia’s Songbird at diva Regine Velasquez-Alcasid ay binigyang-parangal bilang Entertainer of The Year. Deserved naman talaga ni Regine ang nasabing karangalan dahil ibayong sipag at pangmalakasang birit ang ginagawa niya linggo-linggo sa “ASAP Natin ‘To”. Hindi rin puwedeng pagdabugan ng bangs ang naging tagumpay ng konsyerto nila ni Megastar Sharon Cuneta.

Kahit pa nga ang mga kasama niya dati sa “SOP” at “Party Pilipinas” ay mga Kapamilya na rin, hindi puwedeng ipagkaila na siya talaga ang “reyna” sa Dos sa kasalukuyan pagdating sa live performance.

Mula sa aking impeachable observer (IO), “Prior to Regine receiving her honor, si Lea Salonga, may parangal rin, ang People’s Choice Award. Before Lea got the award, she sang ‘Somewhere Over The Rainbow’ na in her true Pambansang Kayamanan manner of singing, as usual was perfection. Kung maririnig ni the late great Judy Garland ang version ni Ms. Lea natin, malamang maniningkit ang mga mata nito. Instantaneous, thunderous at warm applauses ang tinanggap niya mula sa kanyang appreciative public.”

Kuwento pa ni IO: “Moment na ni Ms. Reg. After ng speech niya, she would sing the finale spot number. Nagplay na yung minus one. Nag-intro at papasukan na ni Mrs. Alcasid dapat kumuda ito: ‘It’s not my music. Kay Ogie yata yung minus one. Sorry guys.”

Ang twist, nag-walkout umano on stage ang dear Ate Chona at umaarte na hindi talaga ‘yun ang music niya.

Pagduda ni IO: “Diva that we all love, alam na alam ko ang kalakaran kapag nagpapatugtog ng minus one. Beforehand ay chine-check yan at kung may palpak, may back-up na nakahanda. Laging may plan B. Hindi na amateurista si Regine. She and her team are so experienced sa mga ganiyang hindi inaasahang pangyayari. Sorry na lang siya pero majority sa mga saksi sa pangyayari, hindi convincing ang acting at pag-wa-walkout niya, huh!”

Ang major conclusion ni IO: “Feeling ko, aminin na niyang na-insecure siya sa performance ni Lea. Alam niyang hindi niya kayang lampasan o tapatan man lang kaya she opted not to sing! Kumpleto ang entourage ni Regine that night, how could they may salang the wrong minus one?! Imposible! HahaHa!”

Pagmamaldita pa nito: “Hindi ako makapaniwala na pwede palang maging unprofessional ang Asia’s Song Bird. Every one was waiting for her to sing and she just left the stage with a confused face. She literally chickened out, all because of the one and only Lea Salonga. Inilabas na niya ang pagiging diva niya, huh.”

May insecurity nga ba talagang naramdaman ang Entertainer of the Year sa People’s Choice awardee? Sa true lang, aamin kaya ang diva of the highest order sa obserbasyong ito? (Nasa Aliw Awards ako. Hindi naman siya nag-walkout. Nagpasalamat siya bago umalis. Hindi lang itinuloy ang pagkanta dahil palpak ang minus one. Sabi ng mga nakausap ko na nandoon, professional singer si Regine. Dapat hindi raw siya ginaganon – ED).

BB kailangan ng psychiatrist

May bidyo si BB Gandanghari na pinamagatang “Simpler Life”. Sa true lang, noong masilayan ko ang kanyang mukha na parang Rustom Padilla in drag na may parang mini-me turban at long hair, hindi niya pa rin puwedeng ipagpilitan sa akin, o sa ating lahat that “Rustom is dead” dahil nga every inch of her face, still screams Rustom.

Siya na nga ba ang dapat mag-remake ng “Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay?” Ang savage. Charot! Hahahaha.

Ang bottom line, she is lonely. She badly needs support from family and friends sa “transition” niya.

Sa true lang, hindi ko pa rin masilayan o maramdaman ang pagbabago niya. Hindi ako siguro kung nagho-hormone treatment therapy na nga talaga siya dahil kahit svelte siya, masculine pa rin ang features at energies na nararamdaman ko sa kanya. ‘Yung femininity factor, parang tinimbang ka ngunit kulang pa rin.

Dasal ko na if she is really transforming, sana may psychiatrist siyang katuwang to give her the much needed counseling para mas mapaliwanag sa kanya clinically at objectively ang mga physical at emotional changes na dapat niyang paghandaan.