DAMA ang Wonder Woman Mania maging sa celebrities.

Sari-sari ang posts ng mga taga-showbiz tungkol sa hit superhero movie ni Gal Gadot na pinupuri nila matapos mapanood sa sinehan.

Naglabasan din ‘yung mga kuha ng celebs na nakasuot ng iba’t ibang version ng Wonder Woman costume.

Isa sa bentang post about Wonder Woman ay ‘yung Instagram pic ni Ogie Alcasid, na nakangiti siya habang tinuturo ang girl na naka-WW costume, habang sa likod niya ay hawak ng misis niyang si Regine Velasquez ang mahabang espada ni Wonder Woman at nakaakmang itatarak sa likod ni Ogie.

“Mahirap kaaway si Wonder Woman. Siya ‘yung nasa likod nga pala,” ang cute na caption dito ni Ogie.

“Gano’n, ha? O, ito i-wonder mo!!!” ang kwelang caption ni Regine nang i-repost nito ang same pic.

Kuha ‘yon sa UP Theater nang magpa-private screening si Ogie para kay Regine, na mula pagkabata ay paborito pala ang sikat na American superheroine.

“Before the movie started, I was crying, I don’t know why. So many memories.

“My wonderful husband treated us (my whole family) to a private screening of this movie. And we loved it.

“Thank you, baba @ogiealcasid,” ang masayang sabi ni Songbird sa pinost nitong Wonder Woman poster sa IG.

Ang cute din ng picture ni Nate na naka-smile si bagets habang hawak nito ang kamay nu’ng girl na naka-WW outfit sa may lobby ng teatro.

#manangmanakasatataymo! ang aliw na caption dito ni Regine.

In fairness ay ang haba ng pila sa mga sinehan na pinagpapalabasan ng Wonder Woman sa Kamaynilaan.