tonite-this-is-it-roldan-castro
Napikon si Regine Velasquez sa isang basher na mas focus diumano

Sa mas bata na hindi umano bal­yena ang katawan at hindi basag na lata ang boses. Hirit pa niya buti na lang daw walang acid reflux si Gol­den.

Hindi mapigilang mag-react ni Regine sa Instagram account na @maerd1023.

Mababasa sa Twitter account ni Regine:

“Again WORDS ARE VERY POWERFUL. hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo and iniwan ko!!!!!!”

“Can someone enlighten me about cyber crime please. I think it’s about time we put these kind of people to jail. You think it’s only words that you don’t really hurt us well you’re wrong. #NoToCyberBullying”

“Dapat hindi na ito pinapalampas hindi natututu eh sobra na. Can you imagine if this is our kids!!!! Oh my gosh!!!! Kung ako ang tandang ko naaapektuhan pano pa yung mga bata. Please someone help me with this.”

“Just want to make this clear hindi ako pumapatol, I want to teach these people a lesson. #NoToCyberBull­ying”

Unang Pinoy anime serye trending sa Twitter

Mainit na tinanggap ng mga manonood ang pilot episode ng first Filipino anime series na “Barangay 143” noong nakaraang Linggo. Ito ay tinatampukan nina Migo Adecer,­ Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Kelley Day, John Arcilla, Edu Manzano at Cherie Gil.

Base sa overnight data (individuals) ng AGB Nielsen NUTAM, wagi ang “Barangay 143” sa timeslot at nakakuha ng rating na 4.4%.

Top trending topic din ang official hashtag nito na #Brgy143AngSimula sa Twitter kung saan bumuhos ang mga papuri ng netizens sa anime na nilikha ng Synergy88 Entertainment Media Inc, August Media Holdings, TV Asahi, at ASI Studios.

“Pilot episode pa lang grabe na. Paano pa yung mga susunod na episode. Tunay ngang marami pa tayong aabangan. Congrats @brgy143!” sabi ni @iamjayyemm.

“Ang galing! Nakaka-excite ang mga mangyayari. Ang ganda ng story. Ang galing ng pagkaka-dub. Excited na kami mapanood ang next episode,” sabi naman ni @iris_Sarana

“Sulit ang pinaghirapan! Kudos sa gawang Pinoy. Keep it up!” sabi ni ­@­kookai44418145

Nakilala na nga ng bayan ang binatang si Bren Park at nakita kung paano nalagay sa peligro ang kanyang pamilya habang papunta sana sa kanyang basketball game. Ipinakilala na rin ang mag-amang Vicky at Coach B at kung paano nila binabangon ang kulelat na basketball team na Puzakals.

Kahapon, hinarap na ni Bren ang buhay matapos ang trahedya. Sa kanyang pangu­ngulila, isang babae ang magdadala sa kanya ng rebelasyong muling yayanig sa kanya.

Pakatutukan ang first Filipino anime series na “Barangay 143,” tuwing Linggo, 10 AM sa GMA.

Tuloy ang viewing experience online dahil mapapanood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 AM, na may pre-show ng 9:45 AM.

Jessica Miss Earth–Peru

Handang-handa na ang kinatawan ng Peru na si Jessica Russo sa kanyang laban sa Miss Earth. Ang hometown niya ay sa Lima.

Siya ay 22 years old at Psycho­logy student

Naniniwala si Jessica na ang bahag­yang paggamit ng beauty products ay lalong nagpapalitaw ng tunay na kagandahan.

Ano ang maipagmamalaki niya sa Peru?

“We have a great ancestral wealth that a lot of countries would love to know and even have. We live the ethical and cultural diversity in Peru daily. It is very difficult when we stay outside the country, not to miss everything we live surrounded with, starting with our families, our foods, customs, even the strength we are raised with of getting ahead of our fears and hard situations,” pakli niya.