Nu’ng Huwebes may nakatsikahan kaming isa sa insider ng Star Music.

Pinag-uusapan ang mga mahuhusay na singer. Na-curious kami kaya’t biglang natanong ng inyong lingkod, “Lilipat nga ba si Regine (Velasquez) dito sa Kapamilya Network?

Sagot ng aming kausap, “Sabi po nila. Tatapusin lang daw po ang ‘The Clash’.”

E, ‘di ba may second season ang “The Clash?”

“May iba po yatang magho-host ng second season nila,” sagot pa niya.

“Si Regine po, magiging isa sa judge ng ‘The Voice’,” dugtong pa ng unknown guy.

If it’s true, well, masasagot lang ang mga katanungan kapag nakita na nating nasa bakuran na ng ABS-CBN ang Asia’s Songbird at kumakanta na sa ASAP.