Ganda-gandahan sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa cover shoot nila para sa Mega magazine.

Ang fresh ng ayos at makeup ng dalang diva at in fairness kay Songbird ay ang bagets ng itsura niya sa photo shoot at parang kaedaran niya lang ang Popstar Royalty, ha?

May mga humirit pa ngang mas mukha pa raw bata si Regine kesa kay Sarah sa shoot nilang ‘yon dahil ang ang galing daw nitong mag-project at umawra.

Sey ng netizens, nagta-transform talaga si Songbird ‘pag namemeykapan kaya ang ending ay parang magkaedad lang daw sila ni SG.

Isa ang Valentine concert na ito nina Regine-Sarah sa mga unang payanig na musical events ng 2020.

The two queens, first time in one concert stage sa “Unified” na mapapanood sa February 14 & 15 sa Araneta Coliseum.

Bale 17 years ang lumipas bago naganap ang first collaboration na ito ng dalawa. Si Reg ang host ng “Star for a Night” singing contest na si Sars ang tinanghal na champion nu’ng 2003.

Kahit medyo nagkaroon ng isyu dahil na-hurt si Regine sa pamba-bash ng Sarah fans sa kapatid niyang si Cacai Mitra over a tweet na hindi nito nai-tag si Sarah, walang problema at all sa dalawang diva na malapit na magkaibigan sa totoong buhay.

Sobra kaming excited ma-watch ang “Unified” after ng “Iconic” concert ni Regine with Sharon Cuneta last year.

Male starlet maraming bading ang pinatulan

Nakakuwentuhan namin ang isang dating kaibigan ng isang male starlet (MS) na kilala na ngayon dahil sa sikat na jowa nito.

In fairness ay mabait daw si MS na dati nilang tropa at kasa-kasama sa mga bikini pageant. Mahiyain daw ito at hindi gaanong nagsasalita.

Kontesero ‘yung nakatsikahan namin at pareho sila ni MS, na ang dami nang nasalihang mga bikini open at kung anu-ano pang patimpalak na panlalaki.

Hindi pa raw retokado ang ilong ni MS nu’ng mga panahong ‘yon at kung kani-kanino raw ito tumitira.

Ang kuwento sa amin ay kung sinu-sinong bading daw ang pinatulan ni MS, na hindi naman daw pansinin noon at hindi nila akalain na makikila ito ng publiko.

Matagal-tagal na mula nang huling makainuman ng dating tropa nito si MS dahil iba na ang mundo nito ngayon at lagi nitong kasa-kasama ang kilalang jowa.

Hindi napigilang magreak ng kausap namin sa isang interview kay MS sa TV kung saan tinanong ito kung may karanasan na ito sa bading at ang buong ningning na sagot ni MS ay wala.

Alam na alam ng kausap namin kung anong totoong kuwento ni MS, kaya sure siya na isang malaking kasinungalingan ang sagot nito.

Pero naiintindihan din niya na kaya ganu’n ang sagot ni MS ay bilang proteksyon na rin sa imahe ng kilalang jowa nito.

Baka nga naman kasi kung anu-ano pang masabi ng mga tao ‘pag inamin niyang marami na siyang bading na nakarelasyon noong araw.

Ang mahalaga ay mahal na mahal si MS ng kanyang jowa ngayon na isang kilalang beki personality (KBP).

Alam ni KBP kung saan nanggaling si MS at anong mga pinagdaanan nito, pero tinanggap nito nang buong-buo si MS.

Kaya ayun naman si MS at proud na proud kung ipagbanduhan sa buong mundo ang pag-iibigan nila ni KBP!

PAK!!