Ayaw na sana ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na gumawa na ng pelikula. Ang gusto na lang daw niya ay kumanta, tutal ay singer naman daw siya talaga.

“Wala ako ru’n sa tamang wisyo ng paggawa ng pelikula, ewan ko, parang tinatamad ako. Parang gusto ko lang munang kumanta, anyway, I’m a singer naman talaga.

“But nu’ng kinuwento sa akin ‘yung story, nu’ng niligawan nila ako, parang I got very interested with the character, and so I accepted it,” pahayag ni Songbird kahapon sa media launch ng Cinema 1 Originals kung saan ay isa sa official entries ang movie niyang “Yours Truly, Shirley”.

Bago raw mag-start ang shooting ay parang ayaw na niyang gawin ang movie at gusto na niyang mag-back out.

“Kasi nga nai-stress ako. Parang ‘gusto ko ba talagang gawin ‘to?’ Sabi ko sa kapatid ko (Cacai Velasquez, her manager), ‘pwede bang mag-back out?’ Minura niya ako,” kuwento pa ni Regine.

Nagbiro siyang takot daw siya sa kanyang kapatid kaya ginawa na lang niya.

“No, but meron akong ganu’n na minsan, hindi ako sure kung gagawin ko ba talaga. But nu’ng ginawa ko na, first day pa lang, na-enjoy ko na ulit ‘yung buong proseso ng paggawa ng pelikula.

“And so, the whole 2 weeks for me was very enjoyable,” sey pa ni Regine.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa big screen si Songbird at ang “Yours Truly, Shirley” rin ang kanyang first indie (independent) film. Mula sa direksyon ni Nigel Santos, kasama rin ni Regine sa pelikula si Dennis Padilla at Hashtag Rayt Carreon. The movie premieres on Nov. 10, 9:45pm at Trinoma.

JM, Alessandra nagsalo sa panaginip

First time namang magkakapareha sina JM de Guzman at Alessandra de Rossi sa isa pang Cinema One entry na “Lucid”. Kakaiba ang kuwento ng movie at ayon sa dalawang bida ay “very good” daw talaga ang film.

Ang “Lucid” ay tungkol sa kung paano mo kontrolin ang iyong panaginip na ayon kay JM ay talagang nangyayari sa totoong buhay.

“May mga nagpa-praktis po talaga nu’n, eh – lucid dreaming – ‘yung nakokontrol nila ‘yung panaginip nila, naaalala nila lahat,” paliwanag ni JM.

Kuwento naman ni Alex, “Ang ‘Lucid’ po ay tungkol sa isang babaeng marunong mag-lucid dreaming, so, sa kanyang daily life, hindi niya nakokontrol ‘yung mga nangyayari sa buhay niya, bored na bored siya sa life niya, ganu’n. Parang empty na siya, ganu’n.

“Pero pagdating sa gabi, ‘pag natulog na siya, ayun, nakokontrol niya lahat at du’n sa isa sa mga dreams niya, mami-meet niya ‘yung karakter ni JM na hindi niya makontrol.”

Ayon kay JM, sobrang proud and honored siya na makatrabaho si Alex.

“Kasi, alam kong mahusay siyang aktres and gusto ko pong laging matuto, laging mayroong bago,” he said.

Ano ang natutunan niya kay Alex?

“Si Alex, parehas kami. Pagdating nu’n, wala namang kahit anong demand. Positive naman kami pareho, para lang kaming nag-i-experiment,” sey pa ni JM.

Mula sa direksyon ni Victor Villanueva, “Lucid” premieres on Nov. 10, 7:30pm sa Trinoma.

Samantala, ang iba pang official entries sa Cinema One Originals ay ang “Metamorphosis” starring Gold Aceron, Iana Bernardez, Ivan Padilla, Ricky Davao and Yayo Aguila; “3:0” na pinagbibidahan naman nina Jasmine Curtis Smith, Lauren Young and Anna Luna; “Sila Sila” na pinagbibidahan naman nina Gio Gahoi and Topher Fabregas; “Tayo Muna Habang Hindi Tayo” nina JC Santos at Jane Oineza; at “Tia Madre” topbilled by Cherie Gil and Jana Agoncillo.

Tatakbo ang Cinema One Originals from November 7-17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway and Powerplant Makati.