Muntik na palang mag-backout si Regine Velasquez sa first indie film na ginawa niya para sa Cinema One Originals filmfest.

Nai-stress daw kasi siya ‘pag umaarte siya. At ang tagal na rin kasi nu’ng huli siyang mag-movie, 2016 pa sa “Mrs. Recto” na nagkaaberya at hindi naipalabas sa mga sinehan.

Tinanong daw ni Regine ang sister at manager niyang si Cacai Mitra kung puwede pa siyang mag-backout sa pelikula, pero ang sagot daw nito sa kanya ay, “Gaga!”

In fairness ay natapos na niya ang nasabing indie film na ang title ay “Yours Truly, Shirley.”

‘Nabudol’ daw siya ng mga taga-Cinema One kaya niya tinanggap ang movie, pero ang totoo ay interesting ang dating sa kanya ng script nito.

Hindi pa raw kasi siya nakakaganap na isang fan, na namatayan ng asawa na ang paniniwala ay nag-reincarnate ito sa isang bagets na pop idol.

Si Romnick Sarmenta ang gumanap na husband niya. Parang naiinlab-inlab sa isang younger guy ang karakter niyang si Shirley, pero hindi raw ito cougar.

Naniniwala raw kasi ito na ‘yun ang reincarnation ng kanyang asawa bilang hindi pa ito nakaka-move on kahit 3 years nang patay ang mister nito.

Ayaw pala ni Regine ng may rehearsal at ayaw niya rin ng may take 2 kapag gumagawa siya ng pelikula. Pero ‘pag hindi raw siya happy sa eksena niya ay siya mismo ang nagka-cut para ulitin niya ito.

Bago ang indie film niya sa November ay mapapanood muna si Reg sa cameo role niya sa movie ni Sarah Geronimo na “Unforgettable.” Guest din siya sa MMFF 2019 movie nina Anne Curtis at Vice Ganda.

Excited na si Songbird sa magiging bonding nila ng idol niyang si Sharon Cuneta, na for the first time ay ka-back-to-back niya sa “Iconic” concert sa Araneta.

Dream come true raw ito sa kanya bilang bagets pa siya ay isa na siyang Sharonian. Cute ‘yung tsika niya sa amin na ‘cricket’ siya tuwing kaharap niya ang Megastar dahil natutulala siya at hindi siya makasagot ‘pag kinakausap siya nito.

Simula nang mag-showbiz siya ay kay Sharon lang daw talaga siya nai-starstruck.

Bilang pareho silang iconic singers ay maraming bosesan at duets galore na magaganap sa first concert nila together. May solo-solo rin, pero mas marami raw ‘yung silang dalawa palagi ang nasa stage.

Sa tanong kung may gimik ba rito na iha-harness sila ni Mega sa Big Dome, ang sagot ni Reg ay, “Kaya pa ba kami ng harness?!”

Iba raw ito sa 3-night concert nila ni Vice Ganda nu’ng Valentine’s. Spectacular daw kasi talaga ‘yon, itong “Iconic” nila ni Sharon sa October 18 & 19 ay mas tamed dahil siyempre ay ibabagay daw sa pagka-regal ng Megastar.

***

Jo iniilusyon si Alden sa pelikula

Sobrang na-excite si Jo Berry nang sabihin sa kanya ni Direk Adolf Alix Jr. na gusto siya nitong idirek sa isang pelikula kasama si Alden Richards.

Si Direk Adolf ang direktor ng first movie ni Jo na “Kiko En Lala” na bida si Super Tekla.

Magkasama naman ngayon si Jo at si Alden “The Gift.”

2014 pa lang pala ay na-meet na ni Jo si Direk Adolf nang umepal-epal siya at sumama siya sa parents niya na kinunan para sa station ID ng GMA News TV. Sinabi raw sa kanya ni direk na maganda ang mukha niya.

Wish niya talagang makatrabaho ito at natupad ‘yon sa “Kiko En Lala,” pero gusto pa raw niyang maidirek siya nito sa heavy drama na project.

Natuwa si Jo nang sabihin ni Direk Adolf nu’ng mediacon na gusto nitong maidirek silang dalawa Alden sa isang pelikula, so hahanapan daw nito ng magandang materyal ang dalawa.

Sa “Kiko En Lala” ay hindi nag-drama kundi first time nag-comedy ni Jo at ang saya raw ng experience. Hindi pa raw nagti-take ay tumatawa na siya dahil sa co-stars niya.

Na-touch siya nang sabihin sa kanya ni Tekla na pinapanood siya nito dati sa “Onanay.”

Pinapanood niya rin daw noon sa comedy bars si Tekla at tawang-tawa Showing na sa mga sinehan nationwide mula sa Backyard Productions ng GMA.

Xxx

Aiko nega sa mild stroke

Naka-recover din agad si Aiko Melendez matapos itong isugod sa ospital, na akala nito ay mild stroke, buti na lang at complicated migraine lang pala.

In fairness ay alagang-alaga si Aiko ng politician boyfriend niyang si Jay Khonghun at binantayan din siya sa ospital ng daughter niyang si Marthena.

After a few days ay binigyan na si Aiko ng fit to work signal ng kanyang doktor kaya balik-taping agad siya at balik sa “Prima Donnas.”

Gown kung gown na ulit ang glamorosang kontrabida karakter ni Aiko at walang bakas na nanggaling siya ng ospital.

Bagong dagdag nga pala si Aiko sa listahan ng mga artistang may YouTube channel.