HANGGANG September ang appearance ni Regine Velasquez sa Mulawin vs. Ravena.

Iyun ang nakakontrata sa kanya, pero gusto ng Asia’s Songbird ang role niya sa bagong telefantasyang ito ng GMA 7 bilang si Sandawa

Akma iyon sa kanya bilang Songbird dahil kumakanta rin siyang ibon dito.

“The character was written having me on mind.

“It was tailor-made for me. According to Ma’am Redgie (Acuña), if I didn’t say yes, tatanggalin nila ‘yung character,” pahayag ni Regine sa presscon ng Mulawin vs. Ravena.

Natuwa siya sa pro­ject na ito dahil kahit naka-focus kay Dennis Trillo at sa ibang karak­ter ang takbo ng kuwento, mahalaga ang role niya.

“When it was explained to me, malaki ‘yung role, important ‘yung role pero the cha­racter doesn’t need to always be there,” paliwanag nito.

Medyo mahirap lang daw sa pag-memorize ng dialogues kaya ito lang ang project na pinag-aaralan muna niya bago siya pumunta ng taping.

“Hirap kami sa dialogue. Ako, Tagalog na ako, pero mahirap pa rin. Ang hahaba ng lines, parang poem.

“Ang galing ng pagkasulat ni Don Michael, kasi, parang poem talaga.

“Ngayon lang ako nakakagawa na the night before, nagmi-memorize na ako ng lines. Dati nga, wala akong script, eh.

“Medyo nabubulol pa ako, na merong Tagalog na isang word lang, ang hahaba.

“Very poetic talaga ang mga salita sa akin,” lahad ni Regine.

Sinubaybayan niya ang unang Mulawin kaya natutuwa siya na naging bahagi siya ngayon nito.

“It’s an exciting pro­ject for me because it’s a well-loved series 13 years ago. It’s nice to be part of it,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa sa tuwang-tuwa si Regine na kinuwento sa amin ay ang reaksyon ni Nate nang nakita siya sa TV na naka-costume bilang si Sandawa.

“Sabi niya, ‘Mom, I saw you on TV with co­lor-colors. It’s not for the Señorita, right?’

“Kasi, sobrang love niya ‘yung Poor Señorita. Sabi ko, it’s not. It’s different,” natatawang kuwento ni Regine.

Pagkatapos ng partisipasyon ni Regine sa Mulawin vs. Ravena ay paghahandaan na niya ang kanyang concert sa October bilang selebrasyon ng 30th anniversary niya sa showbiz.