HAVEY: This is not to demean the Little Big Shots-Philippines host Billy Crawford pero simu­la nang malaman ko na dadalhin ito sa Pilipinas at napanood ko ang first season nito sa US, I thought, ang nagbabalik-Kapamilya na si Ogie Alcasid would have been the perfect host for the program.

Actually, ABS-CBN Executives pushed for Ogie. Nakapag-mock up shoot siya at siya talaga ang isinubmit sa foreign franchisee.

Sa US, ang programa ay headlined by Steve Harvey.

Lahat ng good talking points, na kay Ogie  industry leader, OPM president, mabuting asawa at tatay kaya may kakaibang tuwa at kalabit sa puso kapag mga bata ang kausap.

Nakakatulong din na komedyante siya para masaya ang diskusyon.

Pero mukhang gusto ng mga franchise owners ang mas may stature sa international scene kaya they opted to go for Billy Crawford.

Billy of course is a reliable host as he has handled the successful local version of Your Face Sounds Familiar.

In fairness kay Billy, wala siyang natapakan sa pagkakapili sa kanya.
It’s just that the project may really be intended for him.

Aminin din natin na nagkaroon din ng sakripisyo si Billy noon nang ibigay kay Luis Manzano ang kanya nang nasimulan. na Celebrity Challenge na game show sa Kapamil­ya network.

Wala tayong narinig kay Billy because he is such a good soldier.

ogie-alcasid
Ogie Alcasid

As for Ogie, secure at level-headed ang kaibigan nating El Presidente ng OPM kaya OK lang sa kanya.

Ang nabalitaan naming nalungkot ay ang ever supportive wife nito na si Songbird Regine Velasquez na excited pa sanang ipa-guest daw ang anak nilang si Nate sa naturang show bilang pambulaga sa tatay nito.

Oh well, more blessings are due to this wonderful couple dahil napakabait nila.

Inaabangan natin ang 50th birthday concert ni Ogie Alcasid sa August 25 sa Kia Theater at ang kanyang album with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra entitled Nakakalokal.

Si Regine naman, ina­abangan na ang kanyang 30th Anniversary Concert sa MOA Arena on October 21.

Sana, du’n na kumanta muna sa concert ng mommy niya magpakitang-gilas ang napakabibong si Nate!

Good things happen to good people. And good things happen to those who wait, kaya in the end, things will just fall into place para kina Ogie at Regine at Nate; at pati na rin kay Billy – and his soon-to-be-wife na si Colleen Garcia.

***

WALEY: Waley dahilan para hindi suportahan ang napakaraming events nga­yong weekend.
Last weekend na ng mga untried, untested plays sa Virgin Labfest sa CCP.

Mamaya at bukas ng gabi ang concert ni Juris Fernandez sa Music Museum, her very first show after her second pregnancy.

Also, mamayang gabi na muling pagtutuos ng mga reyna ng balakang na hayop ang bosesan na sina Bituin Escalante, Radha, at Frenchie Dy.

Ongoing pa rin ang pagpapalabas ng mga pelikulang lahok sa 2nd ToFarm Film Festival.

Let all these artistic, cultural and entertaining efforts flourish. Makaka­buti ‘yan sa atin at sa ating industriya.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.