Regine, napasagot na ni Gerald

Regine Velasquez
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

DOUBLE career whammy ang tinanggap ni Megastar Sharon Cuneta.

Tigil putakan na ang chika tungkol sa reunion movie nila ni Gabby Concepcion.

Walang “closure” ang mga fanatics. Ang “formidable branding” nila, hindi pa panahon para maulit muli.

Naglabas ng official pahayag si Gabo kung bakit hindi niya keribels gawin ang pagtatambalang muli nila ni Mega.

With a tandang pandamdam, hindi na rin kasali ang dating Madam Chairman sa Cinemalaya 2017.

Ang official notice mula sa Cinemalaya Facebook page, “This is to inform the public that due to unforseen matters, Ms. Sharon Cuneta may not be able to do the film Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, a finalist of #Cinemalaya2017 (full length film category), written and directed by the award-winning Mr. Mes De Guzman.

“Rest assured that an announcement will be made on future updates about the said film. Thank you for your continued support to Cinemalaya.”

What happens now kay Ate Shawie? Pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids grand showdown this weekend, mentor siyang muli sa The Voice Teens.

Majority of the Sharonians, with the diva that you love included, with a heavy heart na tinatanggap ang mga balitang ito.

Mas nakakapanghinayang ang ‘di na niya pagiging part of the Cine­malaya film entry.

Iyung Sharon-Gabby movie, bread trip, nostalgia trip at yes, bad trip din. Kasi, gone with the wind na.

Kung anuman ang movie offer ng Star Cine­ma kay Sharon, nawa’y it is truly worth her while.

Pasintabi sa minamahal naming Megastar, please act your age sa movie na ito.

Tama na ang ingenue aspirations at dapat walang pa-tweetums na pan-juvenile or young adults.

Pakipanood ang mga pelikula nina He­len Mirren, Judi Dench, Cate Blanchett, Julianne Moore, Kathy Bates at Kate Winslet. These dramatic actresses always surprise their adoring public with roles that are intellectualy stimulating and emotionally sa­tisfying.

Ate Shawie, please, follow their leads and good examples.

***

Ang Prince of Ballads na si Gerald Santos, may concert bukas (April 9) sa SM North Skydome… Something New In My Life.

Nakangiting sabi ng balladeer, “Well, something new ‘yung sa wakas, magiging special guest ko si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa napakaimportanteng concert kong ito.”

Si Regine ang Pinoy Pop Superstar host dati kung saan tinanghal si Santos na second season grand winner.

“Noon ko pa pangarap na maging guest si Ate Reg kaya lang, lagi siyang may nauunang natanguang commitment.

“Finally, napasagot na rin namin siya. Personal akong lumapit sa kanya.

“Kasi nagkaroon ako ng way na mahingi ang number niya. ‘Yung mga nakaraan, natiyempo kasi na may schedule siya kaya hindi siya puwede.

“Sobrang thankful kami kay Ate Reg at sa kanyang team, sa pag-accommodate sa amin.”

Arya pa ni Santos, “Ang pakiramdam ko ngayon, sobrang masaya na excited na kinakabahan, na makakasama ko na siya sa iisang entablado.

“Mayroon kaming isang napakagandang duet na ihahandog sa audience namin.”

Teka, totoo bang noong Jonalyn Viray pa si Jona ay niligawan niya ito?

Namula ang pisngi ni Santos, with matching nervous laughter, “Naku, best friends kami ni Jonalyn. Kahit nu’ng araw na kami ang pini-pair up, hindi kami dumating sa point na nagka-young romance kami.

“Para kaming magkapatid. Kahit nga Kapamilya na siya ngayon, constant pa rin ang a­ming communication. And I am happy for her.

“Maganda ang karera niya sa ABS.”

***

Inching his way sa showbiz si LA (Lnard Antonio) Santos, isang promising singer na inilunsad kamakailan ang kanyang debut album.

Ang panalong inspirational angle sa buhay ni LA, kung paano ang mom niya eh tinulungan siyang i-control ang kanyang autism at ADHD.

Ang Mama Flor niya ang gumabay, nag-aruga, siyempre pa katulong ang kanyang occupational therapist at speech teacher.

“A mother’s love and God’s love that heals,” ang pinanghawakan ni Mama Flor kaya nga­yon, UST High School senior na ang charming na si LA.

Pang-matinee idol ang looks ni LA at katangkaran sa height na 5’11”.

Chika ni LA sa diva that you love, “Yung support ng family ko, lalo na from my mom, ang naka­tulong sa akin to overcome my condition.

“Sa totoo lang po, hindi ko po sure kung talagang magaling na ako. I think controlled ko na po siya.

“Ito pong love ko sa music, sa pagkanta, sa pakikisama sa mga tao, malaking tulong sa akin to cope and be happy.”

Siyam na kanta ang nasa album ni LA at ang pleasers dito ay ang Hanggang Kailan, Tinamaan at ang One Greatest Love na special song niya para kay Mommy Flor.