Winakasan na ang isyu ng paglipat ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Pormal na rin kasing inanunsiyo ng GMA Network ang pag-alis ng singer.

Naging emosyonal pa nga ang kanyang pamamaalam sa “Sarap Diva” at labis na nagpasalamat sa mga taong naging parte ng career niya.

Samantala, ramdam na ng mga fan na sa Kapamilya Network siya lilipat. Susunod siya sa kanyang asawa na si Ogie Alcasid.

Kaya naman inanunsiyo na ng singer ang kanyang contract signing sa Dos na gaganapin ngayon, Oct. 17. Nag-post siya sa kanyang Facebook account.

“Contract Signing Ceremony and Press Conference of Regine Velasquez-Alcasid for ABS-CBN,” caption niya sa post na may hashtag na “History Is About To Unfold, RVA on ABS-CBN at The Song Bird is Now A Kapamilya”.
Halo-halo naman ang naging reaksiyon ng mga fan sa kanya.

@AnjeloJakeFactor: “50 to 100 people unfollowed Regine’s social accounts due to transfer of network. Meanwhile: Thousand of new people followed her naman ang pumalit. Di na lugi.”
@Jhaybee Beecher: “Bakit di pa ninyo tanggapin na Regine’s inclination is music. She is supposed to sing and perform for us. Ano gusto nyo mangyari? Magstay pa sya sa GMA at maging news anchor? Kaloka.”
Anyway, may imbitasyon ang ABS-CBN 2 na important media announcement ngayong araw na ito sa Dolphy Theater. Tungkol kaya ito kay Regine?