HOW nice of Martin Nievera and her manager Joy Alonzo dahil nang malaman nila na nagbabakasyon kami sa Los Angeles, California, pinasundo pa nila kami kay Sonny Santos para makapunta sa fundraiser show ng Concert King sa may Sunset Boulevard.

In fairness, puno ang bar/restaurant na venue ng nasabing event kung saan ang organizers ay tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Nakita rin namin sa fundraiser show ni Martin ang former actors na sina Matt Ranillo III at Ernie Garcia.

After ng nasabing fundraiser show, nagyaya pa sa amin si Martin na mag-late dinner sa isang Japanese restaurant.

Actually, past midnight na ‘yon at suwerte naman na nakapag-Google si Joy ng Japanese restaurant na bukas pa.

Nagulat kami nang si Martin mismo ang nag-drive ng van na gamit-gamit nila. Actually, pabalik-balik naman sa L.A. si Martin, kaya alam na alam niya ang mga daan sa lugar na ‘yon.

Mukhang nag-enjoy si Martin sa fundraiser show na ginawa niya, kaya ganadong-ganado siya sa pakiki­pagkuwentuhan sa amin na uma­bot ng almost 2:00AM na.

Nang mag-umaga naman, pinuntahan namin sina Martin sa hotel nila sa downtown L.A. dahil magle-late breakfast daw kami, pero bigla siyang nagyaya sa may Pasadena at mag-steak daw kami.

So, ‘yung late breakfast dapat, naging lunch na. Bale dala-dala na rin nila ang mga gamit nila dahil dederetso na sila ng San Diego, California dahil mamayang 6:00PM at 8:00PM ay may back-to-back show sila sa Sycu­an Casino at isinasama nga niya kami, pero may iba naman kaming pupuntahan.

Mamayang gabi nga pala ay may Mr. and Mrs. A concert din ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid sa Harrah’s Resort na malapit lang sa show ni Martin, pero OK lang dahil parehong sold-out ang kanilang shows, huh!

Nakatutuwa nga dahil pino-promote nilang tatlo ang show naman nina Kuh Ledesma at Zsa Zsa Padilla na Diva2Diva 2 sa Pasadena, California naman na more than two hours away lang sa venues ng shows nina Martin at ng mag-asawang Ogie at Regine.

Nate mahilig sa eroplano

SA pamamagitan ng Viber app, nakatsikahan namin si Ogie Alcasid tungkol sa 6th birthday ng anak nila ni Regine, si Nate.

Nasa L.A. na sila noong Wednesday na birthday ni Nate at dahil mahilig sa airplanes ang bata, dinala nila ito sa airplane museum.

Ang birthday lunch naman ni Nate ay ginanap sa Cheesecake Factory at pagkatapos ay dinala nila ang bata sa Hobby shop for airplanes.

“Ang birthday dinner naman ni Nate, sa Shake Shack dahil request niya at gusto niya ‘yung shake at fries doon,” sey ni Ogie.

Kuwento pa ni Ogie, sobrang saya ni Nate sa 6th birthday nito.
“Sabi ni Nate, it’s his best birthday yet. Nakakatuwa nga,” dagdag pa ni Ogie.

Samantala, last concert na nina Ogie at Regine para sa Mr. and Mrs. A bukas sa L.A. at sa Monday ay aalis na sila at sa Wednesday ay nasa ‘Pinas na sila.