regine-velasquezBORACAY BABE ang peg ni Regine Velasquez-Alcasid na may pa-bikini kahapon sa Instagram.

Nagbabakasyon sa Shangri-La Boracay si Songbird kasama ang pamilya niya.

Nakataob siya sa pinost niyang pic, pero in fairness ay naka-bikini si Reg, na ang nilagay na caption ay, “Tan,” na may kasamang hashtag na ‘pata tim, anyone?’

May pic din silang tatlo nina Ogie at Nate sa swimming pool, na ang caption niya ay, “My kind of vacation,” with hashtag na ‘hilata pa more.’

Ang saya nila sa kanilang villa sa Shang. Silang tatlo sa malaking bed, tapos ay sa maliit na bed si Leila Alcasid.

Bongga ‘yung ­pa-trivia questions ni Nate bago sila matulog. Si bagets ang quiz master at sina Ogie at Leila ang taga­sagot.

Napakabibo ng 5 years old na si Nate, na ang galing mag-Tagalog at mag-Ingles.

Aliw ang mga ­pa-tri­via ni bagets at kung anik-anik ang sinesey nito, kaya ang lakas ng tawa ng kanyang Ate Leila.

Nu’ng palipad sila pa-Bora ay first time na nag-IG Live ni Regine. Naka-live ito mula airport hanggang sa loob ng eroplano.

Sobrang happy ni Nate dahil nakasakay na naman siya ng eroplano. Mahilig ito sa planes at pinapansin nito lahat pati ‘yung tray table ng PAL.

Nakakatuwa dahil mas techie pa si bagets kesa sa nanay niya. Hindi mabasa ni Reg ang comments ng followers niya habang naka-IG Live dahil ang bilis mag-scroll ng messages.

Tinuruan siya ni Nate kung anong dapat gawin. Kalerky si bagets, ang daming alam! Ha! Ha!

Sobrang cute nu’ng pagiging close ng magkapatid na Leila at Nate. May pinost si Leila sa IG na adorable pic nila ni Booboo Bear.

Nag-bikini rin sa beach ang 19-anyos na dalaga ni Ogie, pero wala pa itong pinost sa kanyang feed, sa IG Stories lang.

Ang lakas ­maka-happy at maka-good vibes ng ­Alcasid family!

***

Parehong may ama na kilalang aktor ang magkaibigang Kiko Estrada at Diego Loyzaga.

Si Kiko ay anak ni Gary Estrada habang si Diego ay anak ni Cesar Montano.

Ayon kay Kiko, sila ng Daddy Gary niya ay may mga tampuhan din noon lalo na nu’ng bata pa siya, like ‘pag birthday niya at hindi ito nakakapunta.

Pero alam niyang may rason dahil may trabaho ito, kaya naiintindihan niya.

“Recently, masaya ako para kay daddy dahil sa Alyas Robin Hood. Sana, magkatrabaho kami. Kasi, longtime dream ko na magkatrabaho kami,” sey ng 21-anyos na ­Kapuso actor.

Friend ni Kiko si ­Diego, pero hindi siya pabor sa ginawa nito kamakailan na pagra-rant sa social media patungkol sa tatay nitong si Cesar.

“Diego has a right to feel what he feels. Ang sa akin siguro, as a friend, ia-advise ko siyang ­huwag ilabas ‘yon sa social ­media.

“I mean, it happens, may mga tampuhan sa pamilya. But at the end of the day, ang pamilya dapat magkadikit-dikit at talunin ang problema na ‘yon.”

Pagdating sa usapin ng drugs ay confident si Kiko sa sarili niya na hindi siya nagdodroga.

Kaya hindi niya raw ­kailangang sumailalim sa drug test (tulad ng ginawa ni ­Diego).

“Bakit ka magpapa-drug test kung hindi ka naman nagda-drugs, ‘di ba?

“I guess, kung ire-require nila ako, gagawin ko. Pero wala pa namang nagsasabi sa akin and I don’t think may magsasabi.

“For me, I don’t do drugs. So, bakit ako magpapa-drug test?” katwiran ni Kiko na isa sa mga bida ng horror movie na Pwera Usog.

Ngayon ang ­showing sa mga sinehan nationwide ng Regal movie na kasama rin sa cast sina Sofia Andres, ­Joseph ­Marco, Albie Casiño, Devon Seron, Aiko ­Melendez at Eula Valdez.