Regine pumiyok sa sagutan nila ni Moira

Nilinaw ni Regine Velasquez na wala silang misunderstanding ng kapwa-singer na si Moira at hindi rin sila magkaaway. Nagkaroon kasi ng ganitong espekulasyon nang magkasagutan sila sa isang episode ng “Idol Philippines” kung saan ay pareho silang judge.

“Parang once lang naman nangyari ‘yun (ang pagsasagutan nila ni Moira),” sambit ng Asia’s Songbird nang makapanayam siya ng press sa katatapos lamang na 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

Sa nasabing episode kasi ng “Idol PH,” pinuna ni Regine ang pare-parehong tunog ng mga contestant na parang sina Moira at Yeng Constantino at sinabihan niya ang mga ito na hanapin ang kanilang unique voice.

Sumagot naman si Moira at sinabing mahirap daw talaga for an amateur singer na hanapin ang kanilang unique voice.

Paliwanag ni Regine, pareho lang naman daw sila ni Moira na ini-express ang kanilang opinyon.

“Kanya-kanya kami ng opinyon, eh. That was my opinion and she was just trying to also… kumbaga, ipinagtatanggol niya. But unfortunately, I didn’t see it that way.

“But whatever happens in the Idol table stays in the Idol table,” saad ni Songbird.

Besides, parte raw talaga ito ng trabaho nila bilang judges. Gusto raw niyang maging honest bilang hurado hindi para manakit ng feelings ng contestant or sirain ang mga pangarap nito.

“I wanted for them to be better, kaya kailangan kong maging honest. Hindi ko puwedeng sabihin na ‘okay lang’ pero hindi naman,” sey pa ni Regine.
Dumalo si Songbird sa Star Awards for Movies para samahan ang asawang si Ogie Alcasid who bagged the Best Actor award para sa pelikulang “Kuya Wes.”
Sa IG post ni Ogie ay nagpasalamat siya sa misis para sa pagmamahal at suporta.

“We did it guys!!! Ty so much to the pmpc star awards for movies for this best actor award. Ty mahal @reginevalcasid for all your love and support,” ang caption ni Ogie sa larawan nila ni Regine taken at the awards night.
***

Andi bawal nang sumakay ng eroplano

Nasa 8th month (or 32 weeks) na ng pagbubuntis ngayon si Andi Eigenmann kaya sa kanyang latest IG post, aniya ay hindi na siya pinapayagan pang sumakay ng eroplano, which means hindi na siya makakapagpabalik-balik ng Manila at Siargao na madalas niyang gawin.

Nag-post si Andi ng larawan nila ng boyfriend at ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Philmar Alipayo na naka-two piece siya at makikita ngang malaki na ang kanyang tiyan.

Nasa Manila ngayon si Andi base na rin sa kanyang caption at mukhang dito na siya manganganak.

“32 weeks pregnant today! Since that’s the limit for me to be able to go on a plane, this is when the real waiting begins. Ellie and I are now back in the city, missing life on the island more than ever since we will be here a while (2.5months).

“Browsing through our recent photos taken by @niceprintphoto is not helping.haha Can’t wait for @chepoxzto fly to Manila real soon as well,” caption ni Andie sa photo.

The actress has been living in Siargao for a while now na hometown ng kanyang surfer boyfriend at noon pa naman niya sinasabi na talagang gusto na niya ritong manirahan.