Regine, Sarah inaabangan na sa ASAP stage

tonite-pak-allan-dionesHindi pa man pormal na wine-welcome bilang opisyal na Kapamilya si Regine Velasquez-Alcasid ay naglabas na agad ng announcement ang ABS-CBN na kasama si Regine sa show ng “ASAP” sa Australia.

Sa darating na Sabado, October 20, ang star-studded show na “ASAP Live in Sydney” at ayon sa press release ay special guest dito si Songbird, so makakasama nito ang mister na si Ogie Alcasid na mainstay ng Sunday musical variety show ng ABS.

Obviously ay ito ang first time na magi­ging parte si Regine ng live event ng “ASAP” overseas at ayun nga’t siya na agad ang laman ng kanilang mga plug at well-hyped ang paggi-guest niya sa show.

Mahigit 30 Kapamilya talents ang makakasama sa ICC Sydney Theatre ng bagong lipat na dating reyna ng GMA.

Malamang ay maging mainstay din si Regine ng “ASAP” gaya ng asawa niyang si Ogie. Tila kailangan siya ng show dahil ang alam namin ay matagal nang tinatalo sa ra­tings ang “ASAP” ng katapat nitong Kapuso show na “Sunday PinaSaya”.

In fairness ay bobongga ang “ASAP” pagpasok ni Songbird dahil nasa kanila na ang pinakamahuhusay na singers, na kinumpleto ni Regine sa paglipat niya ng bakuran.

Kaabang-abang ang pagsasama nina Regine at Sarah Geronimo sa “ASAP” stage, pati na ang iba pang makakatagisan ni Reg sa kantahan gaya nina Martin Nievera, Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla.

Sa young divas, bukod kay Sarah ay nandu’n din sina Morissette Amon, Angeline Quinto at iba pa, na pawang iniidolo si Songbird.

Nasa Amerika pa sina Regine at Ogie dahil natuloy ‘yung dalawang shows nila sa California this weekend matapos ma-cancel ‘yung dalawa last weekend.

Kahit nasa abroad pa siya ay tapos na ang pahulaan at kumpirmado nang magi­ging Kapamilya ang Asia’s Songbird. So, huwag nang mag-hopia pa ‘yung mga patuloy na umaasang mananatili siyang Kapuso.

Rayver nahiya sa mga Kapuso

Importante para kina Christian Bautista, Julie Anne San Jose at iba pang Kapuso singers ang ginawang pagbalik ng GMA sa musical variety show format, na nawala na sa Siyete kaya nagsilipatan na halos lahat ng mga singer sa kabilang istasyon.

Excited sina Christian at Julie Anne na makapag-perform ulit kaya happy sila na maging bahagi ng bagong Sunday night music tamba­yan na “Studio 7”.

Kasama rin dito ang nagbabalik-GMA na si Mark Bautista, pati na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Migo Adecer, Kyline Alcantara at Kate Valdez.

Bale ito ang first show ng nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz bago siya sumabak sa afternoon drama.

Aminado si Rayver na nu’ng una ay nahihiya pa siya sa mga kasama niya, pero nang makausap na niya ang mga ito ay na-feel at home siya kaagad dahil mababait daw ang mga co-host niya at magagaling. Masaya siya na komportable sila agad sa unang taping day nila.

Ang “Studio 7” din ang first show ever ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy, na sobrang na-enjoy raw ang kanilang first taping day dahil ang saya ng show at parang hindi sila nagtatrabaho.

Kasali rin dito sina Donita Nose & Super Tekla, at ang finalists ng “The Clash” na huling show ni Songbird sa GMA bago ito lumipad sa kabilang pugad.

Mamayang 7:40 PM sa GMA Sunday Grande ang simula ng “Studio 7”, na ididirek ni Miguel Tanchangco at ang head ng creative team ay si Paolo Valenciano.