Regine stalker nina Bea-Julia-Gerald

Katulad ng ibang celebrity, pinasok na rin ng celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang mundo ng YouTube. Sa kanilang unang vlog ay sumabak sila sa Never Have I Ever Challenge.

Sa unang katanungan ay inamin ni Regine na minsan na rin siyang nang-stalk sa celebrity online. Ikinuwento niya na noong kasagsagan ng kontrobersya sa pagitan nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson ay binibisita niya ang mga socmed accounts nito.

Aniya, “Ini-stalk ko sila Bea at saka si Julia, kasi during that whole thing siyempre gusto kong malaman kung ano nang nangyari. Masama ba ‘yon? Bad ba ‘yon? Pero paminsan-minsan tinitingnan ko rin ‘yung Gerald.”

Samantala, inamin naman ni Ogie na ini-stalk niya si Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff sa nakikita niya umano ang sarili niya rito. (Ronaline Avecilla)