Naging smooth sailing naman ang shoot ng pelikula ni Regine Velasquez. Magaan lang ang trabaho at nag-enjoy siya sa set. At dahil feel-good ang movie kung saan gumaganap siyang fangirl, mas naging easy para sa kanya ang umarte.

Ang role ni Regine sa Yours Truly, Shirley ay isang biyuda na naniniwala na ang isang sikat na pop star (played by #Hashtag member Rayt Carreon) ay reincarnation ng kanyang yumaong asawa.

“It is a story about moving on. Ano nga ba’ng gagawin mo pag namatayan ka ng asawa at naiwan kang nag-iisa? Pero kahit na comedy ang treatment, malungkot ang kabuuan ng pelikula.”kwento pa ni Regine.

Big deal para sa ibang artista at directors na may entry sa Cinema One Originals si Regine. Big fans kasi sila ng wife ni Ogie Alcasid.

Pero ang kiyeme naman ni Songbird, na idol ng lahat ng mga bading, isang malaking honor para sa kanya na maimbita na maging bida sa isang Cinema One Original film.

Kasi nga, she doesn’t see herself as an actress. Singer naman talaga na nag-try lang umarte at nag-click naman.

Hindi rin nangangarap na mag-uwi ng Best Actress award si Regine para sa kanyang pelikula.

Matapos makita ang trailer ng Tia Madre, na bida si Cherie Gil, nag-concede na si Regine. Dapat lang daw na si Cherie ang manalong Best Actress.

Sa November 10 ang premiere night ng Yours Truly Shirley sa Trinoma Cinema.

Ariel nagsangla ng bahay

Sampung taon mula nang simulan nina Ariel Villasanta at Maverick ang shooting ng movie nila sa Hollywood sa pamamagitan ng attempt nila sa American Idol, ready for showing na ngayon ang “Kings of Reality Shows”.

Sinusundan ng pelikula ang pagiging struggling artist ni Ariel—until now—na nagsangla ng bahay at humingi ng tulong, suporta at advise sa iba’t ibang personalities para maitawid at matapos at maipalabas na ang “Kings of Reality Shows”, na siya rin ang nagsulat, nagdirek, at nagproduce via his Lion’s Faith Entertainment Production.

“This movie is dedicated to Mommy Elvie and to all the struggling artists in the world,” sabi ni Ariel. Sabi pa niya, marami siyang pinagdaanang challenges sa buhay kung saan nabuksan ang kanyang isip.

“Akala mo magkaibigan kayo pero kapag pala humingi ka ng tulong, doon mo mare-realized na hindi pala kaibigan ang turing niya sa iyo,” malungkot na kwento ni Ariel. “Parang bigla na lang sila nawawala tapos parang di ka nila kilala.”

Pero “napolitika” ang pelikula sa bakuran ng GMA at tuluyan na itong na-shelved. Pero ayaw naman ni Ariel na basta lang mapunta sa wala ang pelikula na pinaghirapan niya.

Kaya ang ginawa niya ay muli siyang lumapit sa ibang artista at politiko para humingi ng tulong para matapos ang movie.

Very thankful naman si Ariel sa mga personalidad na nilapitan niya at tumugon sa kanyang kahilingan na maging parte ng Kings of Reality Shows.

Nariyan sina Presidente Rodrigo Duterte, ang yumaong aktor na si Eddie Garcia, Sen. Manny Pacquaio, Sen. Antonio Trillanes, Sarah Duterte. May endorsement din ang pelikula niya mula kina Alden Richards, Coco Martin, Anne Curtis, Vice Ganda, Maine Mendoza, Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, at Ymi Castel ng Flying Ipis.

Hinahanap ni Ariel ang kanyang partner na si Maverick na sa tingin niya ay matindi ang naging tampo matapos na hindi naipalabas ang kanilang pelikula.

Wala raw siyang idea kung nasaan si Maverick pero umaasa siya na magkakabati silang muli.

“Kings of Reality Shows” opens on November 27, 2019.

Barretto sisters mukhang palengkera

Hindi ma-gets ng Diva that you love ang patuloy na siraan, palitan ng mga accusations and counter accusations ng Barretto sisters.

Aba, eh sa halip na sila ay magkasundo-sundo dahil sa pagkamatay ng kanilang ama, lalo lang silang nag-away-away.

At sa harap pa ni Pangulong Duterte na sinubukan silang pagbatiin.

Ngayon ay mas mga malala pang akusasyon ang banat nina Marjorie at Gretchen laban sa isa’t-isa.

Hindi mawari ng aming colegiala sensibilities how can these women malign themselves in public and in social media.

Wala na ba talaga silang hiya at wala sila care magsiraan? Ganyan ba sila pinalaki ng mga magulang nila? My gosh, how sad naman.

Di ba nila naiisip ang impact ng conflict nila sa kanilang mga dyunakis (mga anak) or pamangkin, lalo na yung sobrang bata pa?

They are sending the message na di bale na magmukhang palengkera or war freak basta maisulong ang punto.

Sa true lang, kung nagkataon na Barretto ang apelyido ng diva that you love, papalitan ko dahil sa sobrang kahihiyan.

Kailan kaya sila mananahimik? Hay naku!