Regine, takot sa pagdating ng PANGANAY ni Ogie

Ogie Alcasid

ANG saya ng intimate birthday dinner ni Ogie Alcasid nu’ng Sunday night sa kanilang fabulous home sa Ayala Hillside Estates sa Quezon City.

Noon lang ulit kami nakabalik sa house nina Ogie after itong i-renovate, na ayon sa kanya ay two years in the making.

Mas lumaki ‘yung isang parte ng bahay dahil in-extend ito at ginawan ng bagong wing.

Ilan sa nakita namin sa party ni Ogie ay sina Senator Grace Poe Llamanzares­ & husband Neil Llamanzares, John Estrada & wifey Priscilla Meirelles-Estrada, Derek Ramsay & non-showbiz girlfie Joanne Villablanca, Rochelle Pangilinan & fiancé Arthur Solinap, Lara Maigue & cellist boyfie Giancarlo Castrillo, Rico Blanco, Jaya, Antonio Aquitania, Cacai­ Velasquez­-Mitra with hubby Raul Mitra & kids.

Napasarap ng tsikahan at tawanan ang misis­ ni Ogie na si Regine Velasquez­-Alcasid sa grupo nina John at Derek, na nu’ng bandang 12:00 midnight na ay kiyemeng humirit ang birthday boy ng, “Hon, hindi n’yo ako kinakantahan ng Happy Birthday, hindi n’yo ako pinapa-blow ng cake!”

Kaya ayun, naglapitan ang lahat para kantahan si Ogs, tapos ay hinipan niya ang kandila sa cake niyang bigay ng Bonux.

Hindi raw makapaniwala si Ogie na next year ay 50 years old na siya.

***

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Sa birthday concert ni Ogie na Ayokong Tumanda na napanood namin ang second night nu’ng Sabado ay nabanggit ni Regine na next year ay titira sa kanila ang isa sa mga daughters ni Ogie (kay Michelle Van Eimeren­ na nasa Australia).

Pabirong hirit ni Reg, natatakot siya sa pagda­ting ng anak ni Ogs dahil Inglisera ito.

Sa relationship ay wala raw problema, pero magkakaproblema sila sa language dahil NOSEBLEED!

Kinumpirma sa amin ni Songbird na by January ay darating ang panganay ni Ogie na si Leila para tumira sa kanila.

By that time ay tapos na raw kasi ito ng college at gusto muna nitong mag-stay with his dad.

Ang kutob namin ay baka gusto nang i-try ni Leila ang showbiz kaya ito titira sa ‘Pinas, pero ang sabi sa amin ni Ogie, wala pang kasiguraduhan ang lahat.

“Paano siya magsu-showbiz, eh hindi siya marunong mag-Tagalog?!” dayalog ni Ogs.

Hello! Natututunan naman ‘yon, ‘no! Napakaraming artista na hindi marunong mag-Tagalog sa simula pero pagtagal ay natuto rin.

“Hay nako, basta hindi pa sure. Ewan ko kung ano talagang gusto niyang gawin because she’s really a writer, eh. Magaling siyang magsulat.

“Hindi ko alam kung interesado siyang mag-showbiz. Hindi mo rin naman ‘yon mapipigilan kung gusto talaga,‘di ba? Tingnan natin kung anong gusto niya,” ang very tatay na sey ni Ogie.

Binigyan kami ni Ogs ng short tour sa kanilang newly-renovated house, na ang isa sa highlight ay ang kanyang state-of-the-art recording studio.

Ang ganda ng hi-tech studio niya, na maging si Mr. C ay na-impress.

Gustung-gusto rin namin ang room ni Nate na sanrekwa ang toys na karamihan ay airplanes, at ang malaking master’s bedroom na may bonggang walk-in closet si Regine.

And yes, may elevator ang kanilang house.

Taray! Yayamanin!