Sa presscon kahapon ng “Iconic” concert nina Regine Velasquez and Sharon Cuneta ay napag-usapan ang tungkol sa vlog ni Asia’s Songbird sa YouTube kung saan ay ini-reveal nga niya ang discrimination na naranasan a long time ago sa Louis Vuitton store sa New York.

Bagama’t maraming naaliw sa kuwento ni Regine at maraming naka-relate, may mga nang-bash din kay Songbird at nagsabing ang OA naman niya at kung ano-ano pa.

“First of all,” paglilinaw ni Regine, “when I had that experience… actually, nae-experience ko pa rin ‘yan ngayon. Kasi ‘pag nagsa-shopping ako, hindi naman ako nakaayos.

“So, madi-discriminate ka talaga kung mukha kang… in my case, mukha kang basura, na mukha kang ‘cannot afford’. Meron talagang ganu’n.

“Kasi, tinatamad akong mag-ayos. Parang feeling ko kasi, magsa-shopping lang ako, eh. So, alam mo ‘yun, I just wanna be myself, I wanna be in jeans, ganyan.

“When that happened, first of all, it was a long time ago, I was still single, wala pa akong obligasyon, I can splurge because wala naman akong… ako lang mag-isa nu’n, parang okay na ‘yung family ko, and I wanted to treat myself, and saka pinag-ipunan ko ‘yun. I worked really hard du’n sa tour na ‘yun, so I could treat myself,” mahabang paliwanag ni Songbird.

Besides, kailangan din naman daw niya ang magagandang shoes sa kanyang trabaho at hindi naman ‘yung tipong pang-display lang. And that time ay matagal din daw siyang hindi bumili ng sapatos kaya need niya talagang bumili.

Hindi raw ‘yun ang first time na na-discriminate siya at ‘yung ibang experience niya ay mas malala pa raw. Mayroon pa raw nangyari na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at sinabi sa kanya nang diretsahan, “I don’t think you can afford it.”

Pero sa ibang bansa lang naman daw niya nararanasan ‘yun at dito sa ‘Pinas ay never naman daw niya ‘yung na-experience na of course naman dahil haller, Regine Velasquez siya at walang hindi makakakilala sa kanya rito.

Pero aniya, she doesn’t mind at all at hindi raw siya gagawa ng eksena’t hindi rin daw niya ire-report ang sales employee at sa halip ay maghahanap na lang daw siya ng ibang staff na mag-a-assist sa kanya.

Anyway, sa Oct. 18 and 19 na gaganapin ang “Iconic” sa Araneta Coliseum at maiko-consider itong once-in-a-lifetime concert dahil imagine nga namang pagsamahin ang Megastar at Asia’s Songbird. No wonder, sold out na ang tickets.

CK nasungitan kay Alexa

Sina Alexa Ilacad at Charles Kieron (CK) ang bibida ngayong Sabado (Oct. 12) sa “Ipaglaban Mo” sa episode titled ‘Iskolar’. Hindi ito ang unang pagkakataon na magkatrabaho ang dalawang Kapamilya stars dahil magkasama sila ngayon sa “Killer Bride” though hindi nga lang sila ang magkapareha sa nasabing serye.

This time, sa “Ipaglaban Mo” ay story nilang dalawa mismo at ayon nga kay Alexa, noong una raw ay hindi pa niya alam na si CK ang kanyang makakasama.

“Nalaman ko kasi, nagte-taping na ako, sabi ko, ‘sino ‘yung guy?’ Tapos sabi nila, wala pa. ‘Yun pala si CK. Natuwa ako, sabi ko, at least mas kumportable kasi kilala ko na. Kumbaga, familiar na siya, so hindi na ganu’n kahirap mag-adjust, lalo na may pakilig nang konti,” sabi ni Alexa sa panayam sa Kapamilya Chat online ng ABS-CBN.

Nang matanong naman si CK kung ano ang first impression niya kay Alexa, diretsong sagot ng aktor, “masungit.”

Hindi naman napikon si Alexa at parang ine-expect na niya ito.

“Lahat naman, never pa akong nakarinig na first impression (sa akin) na mabait. Kasi wala, eh, ganu’n talaga,” sabi ni Alexa.

Pero sey naman ni CK, nang makilala na niya si Alexa, sobrang bait daw naman pala.

Mula sa direksyon ni Myla Ajero Gaite, kasama rin sa ‘Iskolar’ episode ng “IM”sina Franco Laurel, Vangie Labalan, Ronnie Quizon at Victor Medina.