BUTI na lang hindi namin na-miss ang R3.0 30th anniversary concert ni Regine Velasquez na ginanap sa MOA Arena last Sunday night. Ang ganda kasi!

Ayon sa iba pang nakapanood, ‘yung pinakahuli ang pinakamagandang performance ni Regine.

https://www.instagram.com/p/BaldMOBAsgZ/?hl=en&taken-by=reginevalcasid

Parang wala raw sa kondisyon ang boses ni Regine nu’ng Sabado ng gabi, pero nu’ng Sunday ay balik sa dati at pinatunayan talaga ng Asia’s Songbird na siya talaga ang reyna ng mga Diva.

Sa unang spiel pa lang ni Regine, sinabi na niya na hindi ganu’n kadali ang bumuo ng concert.

Sa loob ng 31 years daw ng kanyang career ito raw ang isa sa pinakamahirap na nabuo nilang concert at aminado siyang hindi na kagaya noon ang boses niya.

Pero ang galing pa rin ng Asia’s Songbird, at nagpapasalamat siya sa Diyos sa blessings at talen­tong ibinigay sa kanya.

Si Sarah Geronimo ang isa sa special guests ni Regine sa se­cond night at proud na proud si Regine sa ipinakitang galing ng Ultimate Pop Superstar.

Gustong-gusto rin namin ang number ni Regine sa mga magagaling na male balladeers na sina Mark Bautista, Jed Madela at Eric Santos. Sana magkaroon ng concert ang tatlong ito at mag-guest din si Regine.

Ang cute din ng pagsali ni Nate Alcasid, kasama ang DoReMi sister­s ni Regine na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Maganda ang kabuuan ng dalawang gabing concert na ‘yon. Ang ganda ng stage, at higit sa lahat, napakaganda ng pagkakadirek ni Paolo Valenciano­, anak ni Gary Valenciano.