Itinigil pansamantala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang registration ng mga nag-aaplay na bagong contractor at sub-contractor.
Ginawa ng DOLE ang aksiyon, kasunod na rin ng kampanya ng gobyerno na matuldukan na ang “endo” o end of contract sa bansa.
Wala ring inilagay na kautusan ang DOLE kung hanggang kailan tatagal ang suspensyon.
Sa kabila ng pagsuspinde sa aplikasyon, patuloy namang kikilanin ng DOLE ang lahat ng certificate of registration ng mga contractor at sub-contractor na inisyu bago pa ipalabas ang kautusang ito ng DOLE.
Mananatili namang may bisa ang mga kontrata na nilagdaan bago ilabas ng DOLE ang suspensyon.
Ang kautusan ay para maprotektahan ang right to security of tenure ng mga manggagawa.