Hindi pa nasisimulan ng Philippine Statistics Authority ang pagrerehistro ng mga taong unang bibigyan ng national ID o Phil ID.

Naglabas ng paalala ang PSA sa publiko para huwag maloko ng mga naniningil para makakuha ng PhilID.

“Nakasaad sa Section 7 c 3 ng batas na ang paunang aplikasyon at pag- isyu ng Phil ID sa mga Pilipino ay walang bayad o libre,” sabi ng PSA.

Plano ng PSA na unahing bigyan ng Phil ID ang mga senior citizens at ang mga tumatanggap ng conditional cash transfers o ang mahihirap na kumukuha ng ayuda sa pamahalaan kapalit ng pagpapapasok ng kanilang mga anak sa paaralan.

Nauna nang sinabi ng PSA na ngayong Disyembre nila sisimulan ang pagpaparehistro para sa Phil ID sa NCR, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region.

Napili ang tatlo dahil madali daw puntahan ang mga opisinang pagpaparehistrohan para sa Phil ID.