Aabot sa dalawampung armadong lalaki na pinaniniwalaang reinforcement ng naiipit na mga miyembro ng Maute terror group sa Marawi City ang namataan sa bayan ng Saguiaran, Lanao del Norte kamakalawa.
Inihayag ni Maning Dalupang, isang lokal na opisyal sa Saguiaran na mayroong dalawang residente ang nagsumbong sa kanya patungkol sa mga armadong lalaki na tahimik na dumaan sa harap ng mga bahay sa lugar dakong alas-dos ng madaling araw ng Biyernes.
Inihayag naman ni Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal patungkol sa nasabing impormasyon.