Rekord ni Jawo buburahin ni Asi

REKORD NI JAWO BUBURAHIN NI ASI

Pinag-iisipan ng NLEX kung bibigyan pa ng kontrata ang pinaka-senior sa kanilang roster na si Paul Asi Taulava.

Sa March 3 – dalawang araw tapos sumiklab ang season-opening Philippine Cup – ay 47 na ang 6-foot-9 Fil-Tongan.

Direct hire ng Mobiline (TNT) noong 1998 si Asi.

Kung matutuloy, siya na ang magiging unang PBA player na maglalaro sa apat na magkakaibang dekada – 1990s, 2000s, 2010s at 2020s.

Pang-21 season ni Asi ang papasok na calendar year.

Ang alamat na si Robert Jaworski Jr. ay nakatatlong dekada sa PBA.
Nag-retire ang pasimuno ng Never Say Die ng Ginebra na si Big J noong 1997 sa edad 51 – ayon kay chief statistican Fidel Mangonon III ay oldest player na naglaro sa PBA.

Player-coach noon ng Gins si Big J, hanggang ngayon ay ‘di nawawala sa championship games ng Ginebra.

Sinabi ni coach Yeng Guiao na mas malamang bumalik pa ang The Rock, dedesisyunan na lang kung gaano kahaba ang kontratang ibibigay sa kanya.
“Are we going to give him a conference, a half-year contract or a full-year contract? ‘Yun ang ine-evaluate,” ani Guiao. (Vladi Eduarte)