Mas maigting at mahusay, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang relasyon ng Senado at Kamara noong panahon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez kumpara sa pamumuno ngayon ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Bagaman madalas sabihin noon ni Alvarez na mabagal ang senado, sinabi ni Sotto na walang naging girian at problema sa samahan ang magkabilang kapulungan ng kongreso sa buong takbo ng pamumuno ng dating speaker.
Sinabi pa ni Sotto na sa buong karanasan nito sa senado ay ngayon lamang nangyari ang ganitong senaryo kung saan nag gigirian at paulit-ulit na nagbabangayan ang senado at kamara dahil lamang sa panukalang budget.
“It was beyond cordial. Mas okay kami nun. Wala kaming problema nun.
Everything was very cordial until this 2019 budget. We didn’t have any problems from 2016 up to 2018. The relationship of both Houses was always cordial. We are a bicameral body, it’s as elementary as that,” sabi ni Sotto.
Nilinaw naman ni Sotto na hindi naman si Arroyo ang ugat ng magulong relasyon ng Senado at Kamara, kundi ang mga taong nakapaligid sa kanya.
“Medyo friendly. Okay lang. you know, the Speaker herself alone, palagay ko wala kaming problema. Maraming iba, maraming nakapaligid eh. Eh yun yung maraming sinasabi eh yung nakapaligid eh hindi naman sya,” sabi pa nito. (Anne Lorraine Gamo)