Handa ang China na ayusin ang sigalot sa Pilipina­s sa usapin ng pinagtatalunang South China Sea o West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa ulat, inihayag ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin sa Philippine delegation na nasa Beijing ng panibagong turning point umano ngayon ang relasyon nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Liu na umaasa ang China na matugunan ito ng Pilipinas at maayos na hawakan ang usapin ng territorial dispute sa WPS o South China Sea (SCS).

Paliwanag pa ng Chinese official na bumagsak umano sa lowest point ang relasyon ng Beijing at Pilipina­s dahil sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Umaasa ang China na bumalik ang Pilipinas sa dayalogo at friendly cooperation.

“At present, China-Philippine relations are at a new turning point,” ani Liu.

5 Responses

  1. HINDI BOBO SI P. DIGONG TULAD NG MGA UTAK NYO…HAHAHA…. MAY MAGIGING KAPALIT YAN NA MABUTI SA MGA TAONG BAYAN….WAG MUNA PUMUTAK KASI HINDI NAKAKATULONG SA DISKARTE NI P. DIGONG… KUPALHAR!!!

  2. bakit ganun ang mahal nating presidente ay galit na galit sa USA. samantalang Ang USA ay palaging natulong sa pilipinas at sa lahat ng kagipitan nandyan ang USA sa atin, samatalang ang China na sumasakop sa ating teritoryo ay puro papuri ang natatangap sa ating pangulo. ang tanong lang malaki ba ang utang na loob ng ating presidete kaya ganyan ang pakitungo niya sa bansang china na yan. at ano ang naging usapan ni ramos ng ipadala siya para makipag usap sa china o baka naman naipamigay na sa china ang west philippine sea. nagtatanong lang po

    1. pogs di naman sa ganun pero tignan mo naman sana side ng china kasi ang china suportado ang pamhaalaan laban sa droga krimen at terorismo pero ang us naman binabatikos ang pinas dahil sa kampnya nito laban sa droga baka nga binenta na ni noynoy ang isla sa china nuon pa man kaya wag sisihin ang pangulo gumigitna lang naman sya oo tumutulong us pero ibang usapan naman ang sa china at least lumalambot china ngayon ang nakaraang pamahalaan dahilan ng lahat ng ito