REMEMBERING NINOY

“I have returned on my free will to join the ranks of those struggling to restore our rights and freedoms through non-violence. I seek no confrontation.

I only pray and will strive for a genuine national reconciliation founded on justice”
Unang bahagi ito ng nakahandang talumpati ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa pagbabalik Pili­pinas matapos ang tatlong taong pananatili sa Boston, sa Amerika noong Agosto 21,1983, gamit ang pa­saporteng nakapangalan sa Marcial Bonifacio.

“I am prepared for the worst, and have decided against the  advice of my mother,­ my  spiritual adviser, many of my tested friends and a few of  my most valued political mentors. A death sentence awaits me. Two more subversion charges, both calling for death penalties, have been filed since I left three years ago and are now pending with the courts,” ang sa­sabihin sana ni Ninoy.

Pero hindi na naide­liber ni Ninoy ang talumpati niyang ito dahil bago pa man bumaba sa sinakyang eroplano habang nakahimpil sa tarmac ng dating Manila International Airport (MIA) ay sunud-sunod na putok ng baril ang narinig at da­lawang tao ang humandusay, isa na siya roon.

Hindi na pinaharap si Ninoy sa korte na sinasabi niya dahil pagbaba pa lang ng eroplano ay sinentensyahan na siya ng kamatayan ng mga taong hanggang nga­yon ay pinagtatulunan pa kung sino ang nagbigay ng kautusan sa mga sundalo na siya ay itumba na.

Pero bago namatay si Ninoy, itinututuring siyang haligi ng oposisyon sa panahon ni Marcos at bagama’t mula sa mayamang pamilya sa Tarlac ay gumawa ng sariling pa­ngalan nang maging war correspondent sa Korea war sa edad na 17-anyos.

Sa edad na 22-anyos ay nahalal si Ninoy bilang Mayor ng Concepcion, Tarlac at sa  edad na 27 ay naging Vice Governor ng Tarlac at na­ging  Governor ng Tarlac sa edad na 31-anyos.
Noong 1967 sa edad na 35-anyos ay na­ging Senador si Ninoy  Aquino at naging kritiko ni Pangulong Marcos at  pinaniniwalaang malakas na kandidato sa pagkapangulo noong 1973 ng Partido Liberal.

benigno-aquino-002

Ilan sa mga privilege speech ni Ninoy ay ang “Jabidah! Special Forces of Evil?” na kanyang idineliber noong March 28, 1968 na patungkol sa pagmasaker umano ng Armed  Forces of the Philippines (AFP) sa mga Muslim recruits  na sinasanay para bawiin ang Sabah na hawak ng Malaysia.

Natunugan din ni Ninoy ang nilulutong ‘Oplan Sagittarius’ ng Marcos administration na ang layon ay isailalim sa  Martial Rule ang Pilipinas, halos isang taon  pagkatapos bombahin ang political rally ng LP sa Plaza Miranda.

Hindi nagkamali ang senador dahil noong Set­yembre 21, 1972 ay idineklara ni Marcos at  binuwag ang 1935 Constitution at inaresto may may 400 katao kasama si Ninoy dahil nagpaplano umano ang mga ito na agawin  ang gobyerno.

Nilitis si Ninoy kasama ang lider ng komunista na si Ka Dante Buscayno subalit tumanggi ito kila­lanin ang military tribunal sa pagsasabing “I would rather  die on my feet with honor, than  live on bended knees in shame” noong 1973.

Naghunger strike si Ninoy habang nasa loob ng kulungan bilang protesta subalit hindi ito pinansin ni Marcos hanggang sa tulu­yan itong magkasakit at itinakbo sa Veteran Memorial (Medical Center) kung  saan nanatili ito sa nasabing pagamutan ng halos isang buwan.

Noong Marso 1980 inatake sa puso si Ninoy kaya dinala ito  sa Philip­pine Heart Center at sa pamamagitan ni Uni­ted States (US) President Jimmy Carter, napapayag si Marcos  na magpagamot ang Senador sa Amerika noong Mayo 8, 1980 at matapos makarekober sa kanyang sakit ay kabi-kabila  ang Speaking engagement nito sa Estados Unidos para sa  pakikipaglaban para sa mga Filipino.

Dito nagkaroon ng maraming paha­yag o qoute na kapag  nari­nig mo ay maaalala mong si Ninoy ang nagsabi tulad ng: “A time comes in a man’s life when he must prefer a meaningful death to a meaningless life.”

“I will never be able to forgive myself if I will have  to live with the know­ledge that I could have done something and I did not do anything.”
“We only ask that freedom be returned, we ask for nothing more but we will accept nothing less”.

Totoo nga sa kanyang sinabi, bumalik si Ninoy para  tulungan ang mga Filipino na makalaya sa pagkakagapos sa  matagal na panahon sa ilalim ng pamamahala ni Marcos na  tinaguriang diktador.

Gayunpaman, ang naging kapalit nito ay ang kanyang  buhay dahil hindi bago nito mailapag muli ang kanyang paa  sa lupa ng Pilipinas ay isa na siyang bangkay dahil  binaril na siya habang pababa sa eroplanong naghatid sa  kanya sa sinilangang bansa matapos ang tatlong tatlong  taong exile sa Amerika.