Umabot sa $23.7 bilyon ang remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) nitong taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, 2.4% ang inilago ng remittance nu’ng unang siyam na buwan ng taon.
Sa buwan ng Setyembre, $2.5 bilyon ang dumating na remittance mula sa mga OFW, mas malaki ng 2% kumpara sa ipinadala nila noong Setyembre 2017. Nu’ng Agosto, lumiit ng 1.4% ang pinauwing salapi ng mga OFW sa bansa sa $2.76 bilyon kumpara sa $2.9 bilyon noong Agosto 2017.
Bumagal ang paglago ng remittance mula sa mga OFW abroad ngayong taon dala ng paghihigpit ng ilang bansa sa Middle East at ang pagpapa-repatriate ng mga undocumented na mga OFW pati na ‘yung tumakas sa kanilang malulupit na mga employer.