Matapos ang pormal na pagsasarado ng 17th Congress, tuluyan na rin lumabo na maaprubahan ang aplikasyon para sa franchise application ng network giant ABS-CBN.
“The Congress is finished, our sessions are over,” ayon kay outgoing House Spekaer Gloria Macapagal-Arroyo sa isang interview.
Gayunman, tumanggi itong magkomento sa dahilan kung bakit nabigo ang kasalukuyang liderato na iproseso ang franchise renewal ng Kapamilya network sa ilalim ng House Bills No. 4349 at 8163 na naka-pending Committee on Legislative Franchises simula pa noong Nobyembre 2016.
Samantala, binatikos ni reelected Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang isang broadsheet story na pinatulog umano ng Kamara ang congressional franchise ng ABS-CBN.
‘Misleading’ umano ang istorya at nagbibigay ng maling interpretasyon na sinadya ito ng Kamara. (JC Cahinhinan)