ALIW kausap si Renz Fernandez dahil hindi ito showbiz sumagot at kadalasan ay kung anu-ano ang sinasabi.

Kuwento ng Kapuso actor, sinubukan niyang pasayahin ang puso niya pero nawasak lang ito ng isang non-showbiz girl.

Hindi naging sila, pero minahal niya ‘yung girl, na ang description niya ay magandang babae na traveler.

Nasaktan siya nang malaman niyang in-love pa rin si girl sa ex nito. Nag-kiss sila pero hindi tuluyang naging sila. Hindi rin sila uma­bot sa dyug.

Na-hurt si Renz for a while, pero naka-recover na siya.

Ang last official relationship niya ay ‘yung kay Maxene Magalona pa. Happy siya for Max na engaged na ito (sa fiance na si Robby Mananquil).

Na-link sila ni Kris Bernal, pero ang dayalog sa amin ni Renz ay hindi siya type ni Kris.

Sinabi nito sa kanyang ligawan niya ito, pero nu’ng niligawan na niya ay wala naman.

Grabe ang effort niya kay Kris na parang alipin na ang kanyang dating. Masyado niya itong nilagay sa pedestal.

Araw-araw ay may regalo siya ritong flowers or chocolates. Sobrang na­ging gentleman din siya rito, pero hindi naging sila.

Ngayon ay loveless muna si Renz, na matagal ding hinintay ang magkaroon ng bagong show after ng last niya na Little Nanay.

Kasama si Renz sa cast ng My Love From The Star bilang si Peter Yuzon, ang attorney na makaka-discover ng mga bagay-bagay.

Bilang prosecutor ay iimbestigahan niya ang kaso ng pagkamatay ni Rachel Andrada (Rhian Ramos), ang karibal ng sikat na aktres na si Steffi Chavez (Jennylyn Mercado).