Sir/Madame,

Respectfully forward­ing request for assistance and repatriation from OFW Ms. Diaz. Pls. find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW

***

Magandang araw. Ganito po ang problema ko at sana ay matulungan ninyo ako.

April 9, 2016 ako dumating dito sa Jeddah (Saudi Arabia). Hindi ko hawak ang salary ko.

Tatlong palapag ang bahay na pinapasukan ko at all around po ako.

Hindi ko po kaya ang trabaho dahil akyat-baba. Sa taas ang kusina at sa baba ang refrigerator.

Wala po akong hawak na sahod ko pero sa aking pera raw dapat galing ang pambili ko ng mga personal na kailangan ko.

Labis din akong natatakot dahil pinaakyat­ nila po ako doon sa tuktok ng bahay nila para­ maglinis at masyado pong delikado. Gusto ko na lang po umuwi ng Pilipinas sana ay matulungan ninyo ako.

Salamat po sa pagbasa, Sir John Monterona, U-OFW

***

Si Joymy Benedicto Diaz ay dumating sa Saudi­ noong Abril 9, 2016 sa pamamagitan ng Jamal Human Resource­s International sa Pilipinas na ang counterpart sa Saudi ay Jamal Almofawas Manpower Recruitment.

Namamasukan ito sa kanyang employer na si Amal Abdulaziz Al-Isa­­ na taga-Al-rais, ­District: El Huda, City Saudi­ Jeddah:­

***

Ang hinaing na ito ni Ginang Diaz ay naipaabot na ng U-OFW sa JAMAL HUMAN­ RESOURCES­ INTL.,­ POLO-OWWA RIYADH,­ OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR para sa kaukulang aksyon. Muli natin itong ipinaabot sa nasa­bing mga tanggapan upang mabig­yang ng sapat­ na atensyon dahil labis na ang pag-aalala­ ng OFW sa kanyang ­kalagayan.

Anumang tugon ng nabanggit na mga ahensya ng gobyerno at ng recruitment agency ay ipaaabot ng Bayani Ka sa lalong madaling panahon.