Sir/Madame,
Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Hutalla. Pls. find additional information below sent by the OFW. We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,
(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW
***
Ako po si Diana Alfaro Hutalla, dumulog po ako dahil binawasan po ang sahod ko imbes na 1500SR ay naging 1000SR na lang po.
Puwede rin po bang i-complain ‘yung hindi ako pinagpahinga kahit isang araw lang nu’ng may injury ako na sinemento ‘yung kamay ko?
Saka sa pagkain minsan talagang kubos lang maghapon. Sinabi ko na po ‘yan sa agency ko sa Riyadh, pero sinabi ng employer ko na hindi raw po totoo ang sinasabi ko.
Nu’ng may injury po ako ni isang butil ng gamot wala po akong ininom kahit may binigay na reseta ang doktor at referral na pinababalik ako ng ospital hindi po ako ibinalik. Sana ay matulungan niyo akong makauwi na ng Pilipinas.
***
Ang problemang ito ni Diana Alfaro Hutalla ay ipinarating na ng U-OFW sa ahensyang nagpadala sa kanya sa Saudi ang P&R MANPOWER SERVICES INC. na ang counterpart nito sa Saudi na AMBATT RECRUITMENT OFFICE gayundin sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR pero nananatiling walang aksyon ang nabanggit na mga ahensya ng gobyerno gayundin ang ahensyang nagpadala sa OFW sa Saudi.
Kaya sa pamamagitan ng BayaniKa ay nanawagan tayo sa mga ahensya ng ating gobyerno sa pangunguna ng OWWA na tugunan ang hinaing na ito ng ating kababayang OFW.
Anumang magiging aksyon sa kaso ni Diana ng ating gobyerno at ng kanyang recruitment agency ay aming ilalathala sa mga susunod na araw.