TULUY-TULOY ang mga pasabog sa GMA Afternoon Prime series na D’ Originals.
Sa renewal of vows nina Josie (Jaclyn Jose) at Lando (Jestoni Alarcon), umeksena si Yvette (Katrina Halili).
Ibinunyag ng hitad na sinabi lang sa kanya ni Lando the night before na mahal siya nito.
Nawindang si Josie.
Nagrambulan ang orig at kabit.
Ending… hiwalayan nina Josie at Lando. Katapusan na ba ito ng 25 taong pagsasama ng mag-asawa?
Lalong titindi ang gulo. Pagsabog ng food park ni Josie, isa sa pinakamatinding masusugatan ay si Marge (LJ Reyes). Pansamantalang mabubulag si Marge.
Habang nakabenda ang kanyang mga mata, wala siyang kamalay-malay na may nangyayari na sa pagitan ng kanyang asawang si Caloy (Mark Herras) at kapatid na si Christina (Lovely Abella).
Samantala, lalong tumindi ang galit ni Sofia (Kim Domingo) kay Alice (Meg Imperial) nang mahuli niya ito sa akto kasama ang asawang si Art (Archie Alemania).
Sisirain ni Sofia ang reputasyon ni Alice.
Ibubunyag ni Sofia ang isang malaking lihim ng huli.